Kinabukasan....September 2, 2018
Pagpasok ko ng school, habang patungo ako sa classroom namin. May mga nadadaanan akong heart heart sa paligid at may arrow na pinasusundan sakin ngunit nagtaka ako kung bakit hindi paliko sa room namin kaya naman sinundan ko ang arrow na yun at ng pagtunton ko sa huling arrow bumungad sakin si Patricio kasama ang mga tropa niya.
"Good Morning Ms. Montengero." bati niya sakin sabay bow bilang paggalang.
"Good Morning, anong pakulo ito tanda? Haha!" pero ang totoo niyan sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.
Nakatitig lang siya sa mga mata ko at hinawakan ang kamay ko.
"I'm here to confess Isabella. Hindi biro yung inamin ko sayo. Gusto na kita Isabella at sa tingin ko mahal na rin kita. Sa tuwing makakasama at makakausap kita, iba yung saya na nararamdaman ko. Oo, gago ako noon pero handa akong magbago para sayo Isabella. At kung magiging tayo man pinapangako kong hindi kita iiwan. Kahit away awayin mo ko sa napakababaw na dahilan Isabella hindi ako magsasawang mahalin ka. Hindi ako magsasawang intindihin ka to the point na makita ko yung mga worst attitude mo. Hindi ako umaasang magugustuhan mo ko. Pero sana hayaan mo kong patunayan sayo ang nararamdaman ko. Mahal kita Isabella. Sana wag magbago ang pakikitungo mo sakin. Sana wag kang mahiya sakin."
Natulala ako sa pangyayari pakiramdam ko huminto ang pagtakbo ng oras pakiramdam ko tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong makasakit ng damdamin ng tao na alam kong nagmamahal sakin.
"Hindi ko hinihiling na may sabihin ka o kay isagot ka sakin Isabella. Ang importante inamin ko na sayo ng personak at buong puso kung ano ang nararamdaman ko sayo"
"Salamat, tara na sa room baka mamaya mag flag raising na" sabi ko naman.
Parehas kaming walang kibo habang patungo kami sa classroom...
"Andito pa rin ako as your friend ha, friends pa rin tayo ha. Bess or Tol haha ayos na yang tawagan natin." pagbasag niya ng katahimikan.
Natuwa naman ako kasi kaya niya pa ring magpatawa kahit na napaka awkward na ng moment naming dalawa.
"Hahahha! Osige ba bess... Hi tol!"
"Sounds good hahaa."
Nakarating na kami sa classroom at saktong nagbell naman para sa frc namin kaya binaba nalang namin ang upuan namin at sunod sunod na kaming lahat luminya patungo sa oval kung saan ginaganap ang Flag Raising Ceremony.
Hindi ako masyadong nagfocus sa frc namin. Gumugulo sa isipan ko lahat ng inamin ni Patricio sakin. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako. Wala lang naman akong pakielam sakanya noon ngunit bakit ngayon iba ang tama sakin?
.................
Uwian na, hindi na ako masyadong nakinig dahil sobra yung mga gumugulo sa isip ko palabas na sana ako ng room ng bigla akong tinawag ni Patricio.
"Isabella, sasakay ka ba?"
"Hindi eh maglalakad lang ako, para makapaglibang haha, ikaw ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/219336288-288-k577147.jpg)
BINABASA MO ANG
A Love I Thought Will Last
Romantizm"Pinangako ko sa sarili ko na hindi na muli ako papasok sa isang relasyon" Meet Isabella Montenegro ang dakilang seryoso lalo na sa pag aaral, ngunit matutupad niya kaya ang kaniyang pangako sa sarili? Sa kabila kaya ng mga pagdadaanan niyang pagsub...