Prologue

0 0 0
                                    

*Warning: errors ahead
Huwag kang judgemental

-------------------------------

"Ano ka ba Isabella? kung hindi romantic movies ang pinapanood mo, korean dramas naman. Ano na bang balak mo sa buhay ha?" sabi ni Ashley

"Ano bang gusto mong gawin ko sa buhay ? Gawing pulutan yung mga gamot ko kapag mag iinuman tayo?"

"Bella, what I mean is lagyan mo naman ng thrill yang buhay mo, hindi puro sa movies ka lang nakakaranas ng kilig sa bagay forever dry season ka na. " Ashley  said in a sarcastic tone.

Pinipilit kong isink in sa utak ko na hindi na ko magkakaroon ng love life. But there's a part of me na uhaw na uhaw  magkaroon ng jowa. Pero ilang taon na lang naman mawawala na ko. Living with cancer is hard. My dad owns a shopping mall while my mom's a surgeon. Yeah, you're right, hindi kayo nagkakamali ng basa. We're rich pero ano pang use non kung wala naman sila diyan sa tabi ko para maalalayan ako habang nakikipaglaban ako sa sakit ko. Nag simula ito sa maliit na bukol na nasa hita ko. Hindi ko naman ito pinapansin noong una, kaya nung na detect yung akin nasa stage 4 na raw. My best friend Ashley is the only one who's always there for me. Nag homeschool na lang siya para mabantayan niya ko. I'm very happy na nandiyan siya lagi para sakin.
  
"Tutal eighteen na tayo, Bella. Ipaparanas ko naman sayo kung paano magka love life." sabi ni Ashley habang nanunuod kami ng 'The Kissing Booth'.

" Hmm. Okay sige" sabi ko ng walang pag aalinlangan.

"Ipapakilala ko sayo si Ivan. Yung classmate natin noong elementary. He's really cool. "

" What the fu*k, Ashley!! You mean our bulakbol classmate?! "

" Shhhhh Bella. Don't call him like that. He's not bulakbol. Isa siyang bad boy."

" But he bullied me back then."

" Past is past. Huwag ka ng umangal pa. Alam ko naman na desperado ka na sa love life eh. Nakita ko kaya yung profile mo sa Tinder. Siya nga pala, magkikita kayo mamaya sa may cafe sa baba ng hospital."

" Stop playing cupid Ashley! "

" Blah blah blah. Excited na ko sa love life mo!" pakantang sabi ni Ashley.

And at this point my life started to change.

Before Dawn Where stories live. Discover now