" Ugh, it sucks." sabi ko habang nakahilata sa hospital bed or should I say my death bed.
For the past two months kasi pabalik balik ako sa hospital. Lagi ko na lang kasama si Nanay Celia, our yaya for almost twenty years, and syempre si Ashley, my one and only best friend.
Opera doon, opera dito. Chemotherapy here and there. Nakakasawa na. Kumalat na kasi yung cancer sa katawan ko. Sabi nila pinaka masakit daw sa lahat ay ang bone cancer, mukhang tama naman sila, masakit nga. Hindi siya ganon kasakit, sobra sobra lang. Hindi ako makatulog tuwing gabi dahil laging kumikirot, umabot na rin ako sa puntong umuungol na ko dahil sa sakit. Napag kakamalan tuloy nung mga nurse na may nangyayaring kababalaghan sa room ko.
Eighteen years na kong nag exist dito kay Mother Earth. Ang swerte ko noh? Alam kong itatanong niyo kung nagka jowa na ba ko, ang sagot diyan ay OO. But sad to say nag last lang ito ng two days. Mas matagal pa nga ang GoSurf50.
Marami akong pangarap sa buhay. Gusto kong makaranas kung paano uli magkaroon ng love life. Kung paano ba uli mag mahal at ang mahalin. Sana mag last naman ito hangang sa araw na mamatay ako.
Iyon ang madalas kong idinadasal na unti unting tinutupad ni Lord.
YOU ARE READING
Before Dawn
Romance"You have to have the darkness for the dawn to come ." - Harrison Ford