" Paanong pose po ba gagawin ko? Kailangan po ba mag fierce?" sabi ko sa radiologist habang nagreready na ako para sa x-ray.
"Ay hindi hija. Okay so, magstastart na tayo. "
Ang ayaw na ayaw ko sa hospital ay ang mga supladang nurse. Sila pa naman ang madalas na inaassign sa akin. Pero nagkamali sila ng kinalaban. May isang beses na tuturukan na sana ako ng gamot nung supladitang nurse pero inagaw ko sa kanya at ako ang nag inject sa sarili ko. Ang ending hinimatay siya.
" Mauna ka na sa kwarto mo at kukuha lang ako ng mga damit mo sa mansion"
"Ingat ka po nanay. Magpahatid ka kay Manong Jessy para safe."
" Oh siya sige mauna na ko baka bumuhos na ang ulan."
Dumeretso na ko sa elevator at pinindot ang number 5 na button. Vip kasi ang mga rooms na nasa floor na iyon. Director ang mom ko sa hospital na ito pero hindi parin kami nagkikita, madalas kasi siya na nasa operating room o kaya naman nasa out of town.
Paglabas ko ng elevator ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Makikita ang mga patak na bumubuhos mula sa malaking glass window na nasa end ng hallway. Sobrang tahimik. Ang sarap sa tainga. Peace at last.
Pero nasira iyon noong may narinig akong malakas na halakhak na nanggagaling sa kwarto ko. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko. Hingal na hingal kong binuksan ang pinto at nakita ko si Ashley na may kasamang pamilyar na lalake.
" Surprise?!" sinabi nilang dalawa ng may pag aalinlangan.
YOU ARE READING
Before Dawn
Romance"You have to have the darkness for the dawn to come ." - Harrison Ford