Prologue

330 4 0
                                    

Prologue

PHYTOS

“Sige na kasi, kwentuhan mo ko! Kahit ano lang…”

My wife, Deity, had been bugging me to tell her a story mula pa kanina. Kasalukuyan kaming nasa kwarto. Nakahiga kami sa kama habang nasa bandang dibdib ko naman ang ulo niya. Mula sa glass window ay tanaw namin ang mga nagliliwanag na bituin sa kalangitan. The moon was shining brightly as well.

“Just tell me a story or lull me to sleep.”

Running out of options, I agreed. “Okay. I’ll tell you my most favorite story.”

“Go…” she whispered.

“Once upon a time, a simple guy named Phytos met a girl named Deity. She’s not a deity. Nor a princess. But to his eyes, she seemed one.”

“How did he meet her?”

Napabalik ang isip ko noong panahon na high school pa lang kami.

“Goodbye, 2-A!”

“Goodbye, Sir Domingo!”

Uwian na! Nagmamadali akong lumabas ng classroom at naglakad papunta sa South Gate ng school. Sinabi ng daddy ko na maaga siyang susundo ngayon at doon niya ako hihintayin.

“Saan natin ilalagay?”

“Itapon mo na lang d’yan!”

Nilagpasan ko ang dalawang babae na may kay anong bagay na hinagis sa basurahan. Nasa bandang Science Park na ako. Napahinto ako sa paglalakad nang mamataan ko ang isang babae na sa tingin ko ay ka-edad ko lang. Nakaupo ito at nakadukdok. Naririnig ko ang mahina niyang paghikbi.

Napagpasyahan kong pumasok sa loob ng Science Park at nilapitan ang babae. “Bakit ka umiiyak?”

Napahinto siya sa paghikbi at umangat ang kanyang ulo. Tumingin lang siya sa akin at pagkatapos ay dumukdok na ulit sa mga tuhod niya at umiyak. Napansin ko naman na iisa lang ang suot niyang sapatos. Madumi rin ang medyas niya sa kaliwang paa. Iyon ‘yong paa niya na walang suot na sapatos.

Na-bully ba siya o napag-trip-an ng mga kaklase? O ‘di kaya ay hinabol ng aso?

“Ah… alam ko na!”

Tumakbo ako pabalik sa nadaanan kong basurahan kanina kung saan may itinapon iyong dalawang babae. Pagsilip ko, hindi ako nagkamali. Nandoon nga iyong sapatos.

Walang pagda-dalawang isip na kinuha ko ito. Kumuha ako ng papel sa loob ng bag ko at pinunasan ang parte nito na bahagyang nadumihan.

Pagbalik ko sa Science Park, laking gulat ko nang wala na ‘yong babae. Umiling lang ako at nilagay sa loob ng bag ko ‘yong sapatos. Lumingon ako sa paligid at nang makita kong wala na talaga siya, umalis na ako.

I stared at her. “It started with a shoe… her lost shoe.”

“And?”

Muling bumalik sa isip ko iyong nangyari pagkalipas ng ilang araw mula nang hapon na iyon noong second year high school ako.

Dalawang araw na ang lumipas at hindi ko pa rin naibabalik iyong sapatos noong babae. Dalawang araw na rin akong nagpapabalik-balik dito sa Science Park at nagba-baka sakali na makita siya para maibigay ko iyong sapatos. Pero hindi na siya bumalik dito.

Kinuha ko mula sa bag ko iyong sapatos na inilagay ko na sa isang kahon. “Kung babalik pa siya rito, siguro naman maaabutan niya pa ‘to.”

FHDDGG 3: Lover Ever After (ONGOING)Where stories live. Discover now