Chapter 1

341 5 0
                                    

Chapter 1

DEITY

MY ENTIRE BODY felt heavy when I woke up. My head was throbbing, too. Napapikit na lang ako habang sapo ang aking ulo. Ang sakit-sakit. Ayoko ng ganitong pakiramdam. I extremely hate this!

I was still in bed. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Instantly, a familiar scent filled the whole room. Para bang mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa nakakairitang amoy na iyon. It was like a mixture of a men’s body wash and shaving cream.

“Good morning, wifey. Gising ka na pala…” my husband greeted.

Parang papalapit pa sa akin ang amoy. And it’s seething through my system. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. Nanatiling sapo ko ang aking ulo at hindi siya tiningnan. “Phytos, ano ba ‘yang amoy na ‘yan?” iritado kong tanong.

“Katatapos ko lang maligo…”

Napa-bahing ako.

“Are you okay?”

This time, I faced him. “No, I’m not!” tumaas ang tinig ko. I didn’t exactly know why but I felt very irritated. Or maybe, dahil sa amoy na ‘yon na hindi gusto ng ilong ko.

Kumunot ang noo niya. “Bakit?”

“Basta!” sagot ko at humiga ulit.

Narinig ko ang buntonghininga niya.

I covered myself with the soft, comfortable sheet. I was more concerned for my aching head so I just closed my eyes. Ugh, ano ba ang dapat kong inumin para mawala ang sakit na ‘to? Parang kahapon lang maayos naman ang pakiramdam ko at wala naman ito.

“Papasok na ko.”

Hindi ako nakasagot agad. I was so caught up by the stinging sensation in my head.

“Kumain ka na. ‘Wag ka nang maglinis para hindi ka mapagod. If you ever need something, call Mommy. Or me.”

Mahinahon ang pagsasalita niya, as if he was taking care of something. It’s like as if speaking in just a little higher tone would break a glass.

Hindi pa rin ako makasagot. Hanggang narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

I sighed. Should I drink a pain reliever? Hindi ba iyon makakasama sa baby? Or should I call my OB-Gyne? I was still considering things when I felt something in my stomach.

Since I already have an idea what would happen, I quickly but safely walked towards the comfort room. At doon, dumuwal ako. Sumuka ako nang sumuka. Parang umiikot o nagwawala ang tiyan ko. Pagkatapos ay naluluha at humihingal ako na sumandal sa tiled wall ng banyo.

Tumutulo ang pawis ko. Kasunod na nito ang luha ko. Magpi-pitong buwan na ang tiyan ko. Sinabi naman sa akin ng doktor na mahirap sa unang trimester ng pagbubuntis. She was indeed right. But I never imagined that it will be like this.

Yumuko ako at sinapo ang ulo ko habang lumuluha.

***

I CALLED Patch to invite her to come with me at a mall later in the morning. But it turned out that she was at work. Nakalimutan kong may trabaho nga pala iyong gagang ‘yon. So in the end, I went out alone. I didn’t know why but I became fascinated with floral dress lately. Kaya naman isang off-shoulder white dress na may floral prints ang isinuot ko. Hindi na rin ako gumamit ng sapatos na may heels. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko. But I have to be safe. Nag-book na lang din ako ng sasakyan.

On my way, I recalled how my in-laws said that I’m going to have a baby girl. Hindi pa namin alam ang gender nito pero nagko-conclude na silang babae nga raw ang magiging anak namin ni Phytos. Masyado raw kasi akong fascinated sa mga girly stuffs katulad na lang ng pagkahilig ko nitong mga nakaraan sa floral dress. May mga sinasabi rin silang signs na nakikita sa akin kaya mas tumitibay ang paniniwala nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FHDDGG 3: Lover Ever After (ONGOING)Where stories live. Discover now