Remedy 2: Iniego Sungit!

19 0 1
                                    

Casey’s POV

Ugh! UBER sa sakit yung ulo ko ha! Ano nga bang nangyari kanina? >3<

UWAHHH! Oo nga pala! Sabi ni Paul, boyfriend ko raw siya gayundin si Iniego sinasabing BF ko siya.

So, two timer ako ganernn?

Naku naman talaga! What’s happening in this country..? Char! Vic Sotto ang peg?

Ba’t naman kasi nila nasabing boyfriend ko sila, ehh—

“CASEY ! Ok ka na ba? Hinimatay ka kanina, alam mo ba yun? Sana kasi, nagsabi ka kaagad na masama yung pakiramdam mo para pinagpahinga ka na namin at—”

“T-teka nga! Iniego, pwedeng wag OA?? Hinimatay LANG naman ako! Hinimatay sa mga sinabi niyo. Sabihin niyo ba namang boyfriend ko kayo? Tss. Ni hindi ko nga kayo kilal—”

“Naaksidente ka.”

O_O —_— O_O ????? HHHAANUUDDAAAWWWWW????!!!

“ANO?! May galos ba mukha ko? Pangit na ba ako? Tell me? Teka nasan na si Paul? Umalis na ba siya? At yung doctor? Asan na? Ba’t hindi man lang niya ko ininform tungkol sa nangyari sa akin. Nahimatay na nga ko’t lahat wala pa rin siy—mndjfdjbfhbn” L*nghiya tong Iniego na to. Takpan ba naman yung bibig ko.

“Aishhh~ pwedeng tumahimik ka muna? Parating na yung doctor kaya wag kang OA diyan.”

“Pshh. Pweh! Pweh! Nagsasalita pa ako eh. Takpan ba naman yung bibig ko! Ugh! Kadirdir ka! Ang alat ng kamay mo! Ewww!”

“Ang sabihin mo nasarapan ka kaya dinilaan mo! Sino kayang mas kadiri sa atin?”

“Ewww! Siyempre ikaw! Ba’t ko naman didilaan yung kamay mo, abeerrr?”

“Kasi crush mo ko. Obssess ka sakin kaya dinilaan mo. Tapos niligawan mo pa nga ako tapos naging tayo.”

*PPPAAKKKK* binatukan ko nga! Ang kapal ehh. Kasing kapal ng earth’s core! =__=

“Ang kapal naman ata ng mukha mo! Pakiliha nga! Ikaw pa talaga liligawan ko?! Tss.”

“Aba’t—” napatigil siya ng dumating yung doctor. Akala ko kasama niya si Paul. Nakakatuwa pa naman yun. Parang engot hkhk.

“Ah. Ahemm. Hi Casey, Hi Iniego.” Nag hi din kami sa kanya.

“Ahmm, doc ano po bang nangyari sa akin?”

“Casey, you got into a car accident and because of that it caused a severe blow in your head. Na nagcause din ng pagkakaron mo ng Retrograde amnesia.”

“Retrograde a-amnesia? Ano po yun?”

“Isa itong klase ng amnesia na kung saan nakakalimot ang isang tao ng mga recent events, events from further in the past o pwede ring pareho niya itong makalimutan. But in your case I think ang nakalimutan mo lang ay yung mga recent events.”

Who's My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon