Remedy 3: Reason for lies

9 0 0
                                    

Paul’s POV

Nung hinimatay si Casey tinawag agad namin ang doctor at inexamine naman siya nito. Akala nga namin mas mauuna pang magising si Casey kaysa dumating yung results ng examination, pero mali yung akala namin. Sabi nung doctor may retrograde amnesia daw siya.

Kaya pala hindi niya kami maalala. Nagulat nga ako kanina pero agad naman akong naka isip ng ideya. Yun nga ay ang magpanggap bilang boyfriend niya. Hindi ko naman talaga intensyon na magsinungaling pero ng maalala ko kung bakit siya naaksidente, hindi na ako nagdalawang isip pang sabihin yun. Tss. W*l@nghi*a talaga yung boyfriend niya. Este EX! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito ehh!

~FLASHBACK

Nasa labas ako ng inn, kung saan nagsi-stay sina Casey at yung boyfriend niya. Actually sa Parkin Lot ng inn nila. Nakadisguise rin naman ako, so hindi nila ako makikilala. Bakit ako nagdidisguise? Umalis lang naman sila pagkatapos ng recognition, sa madaling salita NAGTANAN silang dalawa! Hindi ko nga alam kung bakit pumayag si Casey na makipagtanan ehh! Mahal niya ba talaga yun g@g*ng yun?

Tss. Ni hindi nga yun gusto ng mommy niya. Wala kasing plano sa buhay. Lahat para sa kanya ay laro-laro lang. Baka pati nga si Casey pinaglalaruan niya lang! Kaya nga lahat na ginawa ng mommy ni Casey para lang maghiwalay sila. Parati nga silang nag-aaway dahil sa kagagawan ng mommy niya. Pero hindi yun alam ni Casey. Pero wa epek ehh. Ang tatag nila!

“Pwede ba?! >3< Wag mo akong sundan, dahil pag ginawa mo yun… baka makalimutan kong boyfriend kita!” tumigil saglit yung babe tapos naglakad ulit.. naglakad ng mabilis.

S-si Casey yun ahh. Umiiyak. Tss. Ano na namang ginawa ng g@g*ng yan at umiiyak na naman ang babaeng mahal ko?!

Wag mong sabihing… alam na ng mommy ni Casey kung nasaan sila? Pero dapat pinauwi na si Casey kaysa naman pag-awayin pa sila diba?! Lalo ng nasa malayong lugar si Casey.

“Yanixie babe, let me explain! Hindi ko kilala yung babaeng yun. Hinalikan niya ako kaagad. Siya yung humalik sa akin, hindi ak—” Yanixie… Siya lang talaga nakakatawag niyan kay Casey.

Tumigil saglit si Casey tapos nagpunas ng mga luha. Humarap siya dun sa boyfriend niya.

“Sorry! Hindi na naman kita inintindi. Pasensya na babe ha?” Pinatawad na niya agad? Tapos yayakapin sana ni Axell si Casey pero itinulak siya nito. Kaya nagulat naman yung boyfriend niyang g@go.

“Yun ba ang gusto mong marinig?! PWESS Dream on stranger! Dahil wala ng tayo, kaya diyan ka lang dahil ayokong manakit ng hindi ko kakilala. Baka gamitan pa kita ng natutunan kong self-defense!”

“At kalian pa tayo naghiwalay? Hindi naman ako pumayag ahh!” =___=++

“Nakakatanga at nakakabingi ba ang pangloloko? Kasi kung oo, bawas-bawasan mo naman para hindi ka tuluyang ma-disabled.” Lalakad na sana Casey pero parang may nakalimutan pa siya kaya muli siyang humarap sa ex niya.

“*PAAAKKK* Tulong ko lang yan sa’yo baka sakaling mahimasmasan ka naman! AT WAG NA WAG MO AKONG SUSUNDAN DAHIL PAPATAYIN TALAGA KITA!” >__<

Tumakbo na rin si Casey hanggang sa kalsada. Hindi niya na nga napapansin na marami ng sasakyang bumubusina dahil hindi pa naman naggi-green light. Siguro umiiyak na naman siya.  Sinundan ko na siya, baka ano pang mangyari sa kanya ehh. At akalain niyo? Hindi talaga sumunod yung g@go niyang ex!

Who's My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon