Kabanata 01

205 16 5
                                    

L O R E N Z O

"Madali, walang kukupad-kupad. Magtrabaho kayo! Walang sisilong hangga't hindi ninyo ito natatapos." ang aking mga narinig na salita habang papalapit ako sa kumpul ng mga tao na nag-aani ng palay na hindi alintana ang maalinsangang panahon. Pinagmamasdan ko ang mga ito at halata sakanila ang pagod, ngunit ang isang nagsalita kanina na siyang kanilang amo ay naroon lamang.

Biglang bumagsak ang isang matanda at nabitawan nito ang kanyang binubuhat na sakong may laman ng inaning palay. "IKAW!" sigaw ng amo at agad na nilapitan ang matanda. "Ano at bumagsak ka riyan?! Hindi pa tapos ang trabaho, magpatuloy ka!" at inakay ang matanda na nanginginig marahil ay dala ng gutom.

Lumabas ako kung saan ako nagkukubli  at napansin ng ilan ngunit ako'y  sumenyas na huwag aalma. "A-ako'y nanghihina na at gutom." Ang saad ng matanda. Binatawan agad ito ng amo. "Walang kuwenta! Sayang lamang ang ibinabayad sa iyo ng ating mga amo." At tumalikod na siyang napatigil rin ng mapansin niya ako at nagulat. "S-señorito Lorenzo, ano at naparito ka?" ang tanong nito.

Nagsimula na akong humakbang palapit. "Ang tanong, ano at hindi pa rin sila tumitigil? Dapat sa oras na ito ay nagpapahinga ang lahat at hindi nakikipagsabayan sa tirik na tirik na araw." Ang aking sumbat. "S-senorito, hindi pa nila natatapos ang kanilang trabaho." Ang balik tugon nito saakin.

Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay sakanya. "Matapos man o hindi, trabaho pa rin ito. Marahil na lamang kung nais mong ikaw ang magpatuloy at aking pasisilungin ang mga trabahador." Saad ko at nginisian ito na dahilan upang matahimik ito. "Kayo'y sumilong muna, ako'y nagdala ng ilang makakain upang maidagdag sainyong pananghalian." Nangangamba ang ilan ngunit tinanguan ko lamang sila pahiwatig na wala silang dapat ipag-alala. "Makakarating ito kay Don Alfonso." Ang saad ni Abel ang kanilang taga-mando at umalis.

Nabahiran ng kaba ang aking dibdib na malaman ng aking Ama ito ngunit hindi ito tama.

Sinundan ko na ang mga trabahador at ipinaghain ko sila ng pagkain. "Nakakahiyang kayo pa ho ang naghain at nag-abala upang dalhan kami ng makakain, Señorito Lorenzo." Ang saad ng isa sakanila, si Mang Oscar at katabi nito ang matanda kanina na si Mang Ando na ngayon ay kumakain na. "Wala po ito. Huwag niyo po akong ibahin." Ang aking tugon at nginitian ito.

"Sadyang napakabait niyo." Balik nito saakin. "Malaki ang pasasalamat ko, lalo na ng aming pamilya sa inyong serbisyo rito sa Hacienda San Juan. Marapat lamang na matamasa niyo ang mapagsilbihan kahit sa mga ganitong bagay man lamang."

Hindi matapos ang kanilang pasasalamat saakin matapos ko silang saluhan sa kanilang pananghalian at pamamahinga sa ilalim ng puno ng manga.

Kaya naman masaya akong kahit papaano ay nagawa ko ang bagay na iyon sakanila.

Hapon na ng makarating ako sa Casa San Juan. Dumiretso ako saaming kusina at binati ng mga naroong kasambahay. Nadatnan ko roon ang aming mayordoma, si Nanay Rosita kasama ang isa pang kasambahay na naghahanda para sa hapunan. "Señorito Lorenzo, ano at narito ka? May nais ka bang kainin?" ang pagtatanong ni Nay Rosita. "Wala naman, Nay at hindi ba napag-usapan na natin na huwag mo na lamang akong tawaging Señorito" Ang aking tugon at agad na nagsalin sa baso ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw. "Napakabait na binata." saad nito. Hinarap ko naman ito at ngumiti. "Sadyang napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ng mga sanggol pa lamang kayo na aking kinakarga at inaalagaan sa tuwing abala ang inyong mga magulang." hayag nito.

Si Nanay Rosita ang siyang pinakamatagal ng katiwala ng aming pamilya. Siya rin ang nag-alaga saamin noong kami ay sanggol pa lamang at magpasa-hanggang ngayon ay naninilbihan pa rin ito saamin at dahil doon ay naging mayordoma na ito ng Casa.

AVIDA TERESITA | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon