Kabanata 21

24 5 0
                                    

L O R E N Z O

"Alejandro, ipangako mo sanang walang iwanan. Magkasama tayo sa laban natin." Ani ko matapos ang halik sa aming pagitan.

"Pangako, Lorenzo. Mahal na mahal kita." Tugon nito.

"Mag-iingat ka palagi. Mahal din kita."

"Pangako." Ang binitawan nitong salita sa papalubog na araw.

Nais pa sana naming sulitin ang pagkakataon ngunit ilang oras na lamang ay babalutin na ng paligid ng dilim.

Nagmadali akong bumalik sa Casa at dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay.


Katahimikan.


Iyan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng bahay.

Marahil ay wala pa si Papá.

Madali akong nagtungo sa aking silid. Nais kong magpalit.


."Saan ka nagtungo?" Ang tinig na gumulat sa akin pagbukas ko ng pinto.

"Sumagot ka!" sigaw nito.


PAK!


Ang kanyang palad na ang dumapo sa aking pisngi. "P-papá." Hindi ko mahanap ang aking idadahilan.

"Halika dito." Hinila nito ang aking kanang kamay. Nasasaktan man ay kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi. "Wala ng dinaraanan ang aking mga salita sa'yo kaya mabuti pang lumayas ka na lamang rito sa aking pamamahay."

"Alfonso! Ano ang iyong ginagawa sa ating anak? Saan mo siya dadalhin?" Nagulat si Mamá ng makita kami nito sa may sala, kaya agad itong lumapit upang pigilan si Papá. "Huwag ka na lamang maki-alam rito, Elena." Tugon ni Papá.

"Kung hindi mo na sana pinaiiral pa iyang kalokohan mo, sana hindi ka nagkaka-ganito ngayon." Saad nito sa akin.

"P-papá Mahal ko siya." Sa pagkakataong iyon ay kamao na nito ang dumapo sa aking mukha.

"Alfonso, ano ba!?" Si Mamá na hindi naman pinansin ni Papá hanggang sa maramdaman ko na lamang ang aking pagbagsak sa sahig dala n malakas na kamaong tumama sa aking mukha.

"Lorenzo!" ang nagulat na si Mamá at madali ako nitong nilapitan.

"Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal na iyan? Kasalanan ang inyong ginagawa, alam mo ba iyon?!" tiim bagang na si Papá. "Alfonso, huminahon ka paki-usap." Si Mamá.

Bumuntong hininga si Papá. "Sige Lorenzo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Hiwalayan mo ang lalaking iyon at humanap ka ng dalaga na nababagay sa iyo. Kakalimutan ko lahat ng mga ito."

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na kaya pa. "Hindi! Mahal ko siya, mahal namin ang isa't-isa." Sa sandaling ito ay lakas-loob ko ng sinagot ang aking Ama. "Mas itinuturing na kasalanan ang paghuhusga sa kapwa." Sa pagkakataong ito ay pinilit kong tumayo.

Hindi na iyon natuloy ng kamao muli ang sumalubong sa akin. Bumagsak ako at mga sipa naman ang sumundod. "Alfonso tama na." pinipigilan ni Mamá ngunit hindi nagpatinag si Papá at nabitawan ito ni Mamá.

"T-tama na." ang aking naisatinig.

"Papá! Papá tama na!" Ang bagong dating na si Kuya Francisco, agad nitong pinigilan si Papá.

"Hayaan mo ako Francisco." Si Papá.

Lumapit sa akin si Mamá at inalalayan akong tumayo. "Anak." Ang tumatangis na si Mamá.

AVIDA TERESITA | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon