Kabanata 22

26 5 0
                                    

ALEJANDRO

Dalawang araw na.

Dalawang araw na simula noong huli kaming magkita ng aking minamahal.

Mabuti na lamang at hindi ako nahalata nina Papá at Mamá lalo na si Ate Ysabella pagdating ko ng araw na iyon. Humigpit ang seguridad ng Casa at hindi na ako maaaring lumabas.

Ano na kayang nangyayari sa kanya?

Ayos lamang kaya siya?

"Magandang umaga, Señorito." Pagbati ng isa sa aming mga katulong ng makarating ako sa kusina. "Magandang umaga."

"Alejandro" pambungad ng aking kapatid na marahil ay katatapos lamang sa kanyang pagkain.

Hindi ko na lamang ito tinapunan ng tingin at kumuha na lamang ako ng prutas sa lagayan. "Kawawang Alejandro." Saad nito bago ako makarating sa pintuan.

"Wala ka man lamang ka-malay-malay kung ano na ang nangyayari sa labas." Nilingon ko ito at naiiling itong nakatingin saakin.

Wala akong naging tugon at bumuntong hininga na lamang ako. "Kung wala ka na lamang ring sasabihin mahalaga, manahimik na lamang Ate." at tinalikuran ko ito.

"Si Lorenzo." Saad nito na nagpatigil sa akin at muli ay nilingon ito. "Alam mo na ba?" Tanong nito.

Kunot noo naman akong naghihintay ng kanyang idurugtong at kinakabahan na marahil ay may ginawa na naman ito. "Ano at idinawit mo rito ang kanyang ngalan, Ate? May ginawa ka na naman bang hindi kanais-nais?"

Nainis na lamang ako dahil sa tinawanan ako nito. "Kalma kapatid. Ang sama naman yata ng iyong pagtingin sa akin. Wala akong ginawang masama."

"Kung ganoon ay ano?" Tanong ko rito.

Nailing ito habang nakangisi. "Pag-ibig, hahamakin ang lahat. Kung hindi na sana ninyo ipinipilit ang inyong kahibangan, sana ay nasa kanilang Casa pa rin ngayon si Lorenzo."

Anong na naman kayang nangyari. "Ano ang iyong ibig sabihin?" Linapitan ko ito.

"Nalaman kong pinalayas ito ni Don Alfonso kahapon matapos ninyong pumuslit upang magkita." Ginapangan ako ng kaba matapos kong marinig ang kanyang sinabi.

"O, saan ka tutungo?" Tanong nito ng magmadali akong umalis at hindi na ito tinugon.

"Pasensya na po, Señorito Alejandro. Ngunit hindi namin kayo pahihintulutan. Mahigpit po ang bilin ng inyong Ama na huwag kayong palabasin." Saad ng isang bantay ng makarating ako sa tarangkahan.

"Talagang hindi ka magpapatinag ano?" Tanong ni Ate. Nakahalukipkip itong lumapit sa amin.

"Sige na, pahintulutan niyo siyang lumabas." Tila ako'y nabingi sa kanyang tinuran at agad na napatingin sa kanya. "Ngunit Señorita, tiyak na malalagot kami kay Don Joselito." Ani ng guwardiya.

"Ate?" Nagtataka kong tanong.

"Pahintulutan niyo na siyang makalabas. Ako na ang bahala kay Papá." Saad nito. Tuwa at pagkagulat ang aking nararamdaman sa ngayon.

"Sigurado ka, Ate?" Muli kong pagtatanong.

"Umalis ka na, bago pa magbago ang aking isipan."

"Salamat, Ate!" Masaya kong tugon at nagmadaling lumakad palabas. Hinayaan na rin ako ng mga tagabantay na makadaan.

Sana ayos ka lamang, Mahal ko.

AVIDA TERESITA | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon