Shit! Shit!"Bess on count of three." Bulong ko kay maddy agad naman itong tumango.
Hinawakan ko yung kamay niya."1.."
"2.."
"3.."
"Runnnnnnnnn!!!"
Tumakbo na kami palabas pero hinabol parin kami nila rex shit!. Hindi namin alam kung bakit kami nakarating sa parking lot basta tumakbo lang kami ng tumakbo.
"Beeeeeppp!!"
Napaupo kami sa sahig ng may prumeno na kotse sa gilid namin nagulat pa kami nang lumabas si jake dun.
"What the! Grace! Fey! What are you doing!? Are you guys okay?"
Tinulungan niya kaming tumayo ni maddy at pinulot ang mga pinamili namin na nagkalat Dahil natapon dahil sa kaba namin.
"Your Highness!"
"Shit! Tara na bess!" Bago pa kami makatakbo pinigilan kami ni jake .
"Tara! Sa kotse sakay!"
Nagmamadali kaming sumakay at pinaandar na ni Jake ang kotse at humarurot na ito palabas. Dun lang kami nakahinga ng maluwag.
"Sino ba yung humabol sa inyo ha?"
Tanong ni Jake samin ng nasa daan na kami. Walang nagsalita samin ni maddy at nagkatitigan lang kami.
'Shit anong sasabihin namin malalagot kami pag nalaman nilang taga palasyo kami ni maddy'
Hinawakan ko ang kamay ni Maddy at pinisil yun.
"Tinatanong ko kayo ano yun?"
Tinignan kami ni jake sa rear view mirror kaya umiwas ako dahil kinain ako ng kaba.
"Ahhhh wa-la yun hehe"
Tinignan naman ako ni maddy at pinaglakihan ng mata.
"Wala yun jake! Baliw lang na nakasalamuha namin sa mall."
Palusot ko sakanya at tumingin sa labas ng bintana.
"Kung sabagay pero naguguluhan ako kung bakit tinawag ka niyang your highness fey."
Nanlaki yung mata ko ng tumingin siya sakin.
"Baliw nga diba jake wala sa tamang pag-iisip kaya tinawag niyang your highness ang kaibigan ko."
Paliwanag sakanya ni maddy nakahinga ako ng maluwag ng nakumbinsi namin siya.
"Salamat nga pala kanina Jake."
Sabi ko sakanya na ngitian lang ako at si Maddy.
Nang makarating kami sa resort nagpasalamat pa kami ni Jake bago kami pumunta sa kwarto namin. Si jake naman umuwi na kasi nagtext na raw si elley sakanya.
Nang makapasok kami sa kwarto umupo muna kami ni maddy sa kusina.
"Bess! Bakit sila nandito? Bakit nila tayo natunton."
Napahilamos ako sa sinabi niya ako nga din nagtataka. nag isip pa ako kung anong dahilan nila ahh alam ko na.
"Kumilos na sila Maddy."
Humarap ako sakanya
"Kailan nating mag doble ingat bess gumawa na ng paraan sila mommy't daddy para mahanap tayo."
"So anong plano natin."
"Hindi muna tayo lalabas hanggat maaari dito lang tayo sa resort ."
"Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sayo pag natunton tayo ng mga tauhan ni rex bess."
Naiiyak niyang sabi kaya niyakap ko siya .
"Walang mangyayaring masama sakin o sating dalawa hindi ako papayag bess kaya natin to lakasan mo yung loob mo."
Pinunasan ko yung mga luha niya .
"Hindi din ako papayag na may mangyari sayo bess."
"Ang oa naman nito walang mangyayari sakin uyy hahaha."
Akala mo naman papatayin ako ang oa magreact ng babaeng to.
"Siguraduhin lang nila na wala kasi ako ang makakalaban nila ."
Maituturing mo talagang tunay na kaibigan slash pinsan tung si Maddy dahil sobrang bait at maalagain pero maldita nga lang minsan. Parang tunay na kapatid na nga ang turing ko sakanya kaya mahal na mahal ko tung babaeng to kahit may topak minsan.
"Hoy! Tulala ka?"
Siniko niya ako kaya tinignan ko siya ng masama.
"Inaano kita! Namumuro kanang babae ka!"
"Ito naman halika kana tulungan muna akong ayusin ang mga to para makapagluto na tayo."
Tumayo na ako at tinulungan siyang mag ayos ng lulutuin niya. Sa aming dalawa siya talaga ang marunong magluto pero nagpaturo ako sakanya para may alam din ako sa gawaing bahay kasi you know laking palasyo ako kaya diko alam ang mga gawaing bahay.
Ayaw pa nga niyang pumayag nun pero pinilit ko siya ayaw ko namang siya lang ang gumawa lahat kaya kinulit ko siya ng kinulit.
Nang sumapit ang hapon tinawagan kami ni elley na darating sila dito ni jake kasama yung mga kaibigan ng asawa niya bukas ng umaga. Sinabihan na rin namin yung ibang mga staff para makapagready kami bukas.
Bumaba muna ako at naglakad lakad sa dalampasigan para makapag-isip sa anong gagawin namin ni maddy.
'Forgive me for what i did mom , dad '
Lumanghap muna ako ng hangin bago ako bumalik sa kwarto. Pagkapasok ko dun mahimbing na ang tulog ni maddy nagtoothbrush muna ako bago tumabi sakanya matulog.
A/N: YAN MUNA SI ERRIESMAY NGAYON SANA MAGUSTUHAN NIYO ENJOY READING. AT PANATILIHING MALINIS ANG ATING MGA KAMAY PARA IWAS COVID AT PALAGING MAGSUOT NG MASK KAPAG LUMABAS KA NG BAHAY. MAG-INGAT KA PARA DI KA MAHAWA IKAW RIN MAMATAY KANG VIRGIN HINDI MO PA NATIKMAN ANG LANGIT NGEKK LOL HAHA INOSENTE PO AKO. STAY SAFE EVERYONE AND GODBLESS MWAHHH LOVELOTS, NO HATE JUST LOVE BABIES❤
SKYIE 💋
YOU ARE READING
My Runaway Princess
Fiksi RemajaWhat would you do if the freedom you've craved for so long finally came true? And as for my part, I grab it without knowing the consequences that I might encounter soon; the blood of royalty running into my veins and also, I'm the only heir of Palas...