SWABE lang yung lakad ko sa gitna ng simbahang ito. And yes ikakasal na ako ayy este yung ka workmate ko nga pala slash kaibigan ko. Isa ako sa mga bridesmaid ni Elley kasama din si Maddy.Umupo ako sa tabi ni maddy ng matapos na akong maglakad.
"Swerte talaga ni elley couz "
Pinalo pa ako sa braso sa sobrang kilig niya hanep din!
"Arayy! Bat kaba namamalo!? Masakit ah!"
"Oa mo !"
Inirapan ko lang siya at nagfucos nalang sa harapan. Tumayo na kaming lahat nang bumukas na yung pinto sa simbahan at inuluwa dun ang pinakamagandang elley.
Tumingin ako sa husband niya na naging emotional na rin nahawa naman kaming lahat dun kaya lumabas na yung mga tissue namin na kanina pa namin hawak.
"Hoy!"
Siko ko Kay maddy grabe naman kasing umiyak to dinaig pa ang bride.
"Wag ka ngang epal nag momoment ako dito!" Sabi niya sabay pahid sa mga luha niya ng tissue.
"Oa neto dinaig mo pa si elley sa iyak mo bride ka? Bride!?"
"Heh!"
Nang mag announce na ang pari na you may kiss the bride tumayo na kaming lahat at pumapalakpak. Pumunta kami sa harap nang mag picture taking na marami rami din yung kinuha ng photographer kaya matagal kaming nakatayo dun.
"Congrats newly weds!"
Bati namin ni Maddy nila elley at Jake nang matapos kaming magpicture taking.
"Thankyou girls!"
Sabi nilang dalawa niyakap kami ni elley at ni jake.
"So paano kita nalang tayo sa resort ." Sabi ni elley samin .
"Oo naman! Gutom na ako bess halika na!" Nakakahiya talaga tong babaeng to.
And yes we're both using couz and bess as an endearment since we're cousins and bestfriends but we used to call each other "bess" instead of couz.
"Hoy!! Wag ka ngang ganyan ako nahihiya sayo eh!"
Binatukan ko siya kaya napasimangot ito.
"Hahahahaha kayo talaga!"
Natatawang sabi ni elley samin. Naputol lang yung tawanan namin nang mapansin ni elley na kanina pa may tinatawagan si jake.
"Hon! may problema ba?"
"Hindi ko pa rin ma contact si Bry hon nag-aalala ako sakanya."
Sumilay naman yung lungkot sa mga mata ni Jake kaya hinawakan siya ni elley sa kamay. Nagkatinginan naman kami ni maddy.
"Hon! Magiging maayos din ang lahat okay! Come on! Cheer up kasal natin tas malungkot ka! Nagtatampo tuloy ako sayo!"
Ngumuso siya kay jake na natawa sa ginawa niya.
"Ganda mo talaga hon!"
"Sus! Tama na yan nagugutom na ako!"
Ngumunang lumakad si maddy samin palabas kahit kailan talaga. Sumunod na kami sakanya at nagtungo na sa Bella's Resort na pag-aari nila jake.
Mayaman si jake at marami siyang business na itinayo sa industriya at isa na dito ang Bella's Beach Resort kung saan kami nagtatrabaho nila elley at Maddy.
Mahigit dalawang taon na rin simula nung mapunta kami ni Maddy sa lugar nato. Ginawa namin lahat para mabuhay kami naghanap kami ng matutuluyan at naghanap na rin ng trabaho sakto din dahil naghahanap din ng mga staff ang resort nila Jake nun kaya di kami nahirapan humanap . Wala na kami sa palasyo kaya kailangan naming kumayod

YOU ARE READING
My Runaway Princess
Novela JuvenilWhat would you do if the freedom you've craved for so long finally came true? And as for my part, I grab it without knowing the consequences that I might encounter soon; the blood of royalty running into my veins and also, I'm the only heir of Palas...