‡Mouth Sewer‡ Part 5

13 10 4
                                    

‡Mouth Sewer‡

Short story

Written by: Kitten_Gray

Written by: Kitten_Gray

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 5

Suspicious Day

Ellisha's POV

“Good morning!” bati sa akin ni Renzy nang makababa ako mula sa taas. Nginitian ko s'ya at bumati din, inilibot ko ang paningin ko sa sala at napansin kong kaming dalawa pa lang ang gising. Sabagay napuyat kami kagabi dahil sa kapapanood ng lintik na horror! Kaya ayaw ko talagang manood ng horror kasi namaos ako kasisigaw.

“Tayo pa lang?” medyo paos na saad ko, narinig ko s'yang tumawa nang maupo ako sa tabi n'ya para magtimpla ng kape dahil nakahanda na doon ang mga tasa. May nakahain ding sinangag at toccino, naalala n'ya siguro kung anong mga ginagawa ko kagabi at kung gaano ako natakot. Grabe kasi 'yung horror theme! Nakakagimbal sobra!

“Hindi, gising na rin si Pirm. Kinukuha lang 'yung ibang toccino na niluto n'ya.” sagot nito habang pigil sa paglabas ng tawa n'ya, ngumiwi ako pero napangiti rin. Buti na lang pala hindi ako ang naunang nagising dahil baka ako rin ang nagluto ng almusal hahaha, tsaka baka maisipan kong may nakatayo sa likuran ko katulad doon sa pinanood namin. Ihhhh! Kakatakot!

“Good morning! Ellisha!” muntikan ko nang mapaso ang sarili ko ng kumukulong tubig dahil biglang pumasan sa akin si Pirm nang ilapag n'ya ang natitirang toccino na kinuha n'ya sa kusina.

“Takte ka! Alam mo naman na kanonood lang natin kagabi ng horror! Yakap ka nang yakap!” ingit ko at agad na inilapag ang thermos sa mesa, pinalo ko ang braso n'yang nakapulupot sa leeg ko habang s'ya naman ay tawa nang tawa.

“Wow, Ellisha! Akala mo naman hindi ka ganito kagabi! Halos gusto mo na ngang manirahan sa t-shirt ni Renzy kagabi!” sinamaan ko sila ng tingin nang parehas silang tumawa at nag-apir pa, malamang nakaka-intense 'yung pinapanood!

Dinilaan ko na lang sila at nagsimula ng kumain, kahit na kumain na rin sila hindi pa rin nila maiwasang tumawa. Mga baliw talaga!

Hindi ko na sinubukan pang magsalita dahil baka mapaos pa ako lalo, naalala ko naman bigla 'yung video na ginawa ni Cleize kagabi. Iiihhh! Sana hindi ako nakita ro'n! Baka kita 'yung pinakaloob ng lalamunan ko dahil sigaw ako nang sigaw. Sana hindi ako nahagip kahit isang segundo lan—pero imposible 'yun dahil malapit lang sa akin si Cleize kagabi.

“Haha—Good morning, kuya Harky!” natigil sila sa pagtawa nang batiin nila ang bagong dating, ang tagal naman magising nila Cleize at Ybbie.

“Good morning...” napansin kong nagpalinga-linga si Harky na parang may hinahanap na ibang tao bukod sa mga pinsan ncya. Mmm?

“Wala pa si Ybbie?” napanting ang tainga ko at agad na napalingon sa gawi n'ya. Bakit n'ya hinahanap ang baby ko?!

“Teka lang ah! Bakit mo hinahanap si Ybbie?” naunang magtanong ay si Renzy na natigilan din dahil sa binanggit ni Harky. My God!! Anong meron sa kanila? Nakakaintriga ah!

‡‡Mouth Sewer‡‡Where stories live. Discover now