CHAPTER IV

272 10 1
                                    

Lauryn

Nagising ako sa mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.

8AM PALANG?!

At Sabado naman ngayon ah? Bakit nanggigising na agad si kuya?

"Mamaya na tinatamad pa ako." sigaw ko para marinig ni kuya sa labas ng kwarto ko.

Hindi siya sumagot at narinig ko nalang ang pagpihit niya sa door knob. Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko alam kung pumasok ba siya o ano pero nararamdaman ko na may tao sa bandang pinto.

"Maya naaaa. Inaantok pa ako." sabi ko naman habang hindi pa rin nililingon si kuya.

"Get up."

Sasagot na sana ako pero sandali lang.... hindi boses ni kuya yun ah. Boses 'yun ni Maam. Bakit ba siya nanggigising? Trip na naman niya maging nanay ko.

Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at umupo ng maayos paharap sakanya. "Yes? Bakit ka po nanggising ng ganitong oras sa ganitong araw?" inayos-ayos ko pa ang buhok ko habang nag-aantay sa isasagot niya.

Ito ata ang unang beses na nag 'po' ako sakanya. Pero anong magagawa ko eh hindi magsink-in sakin na professor ko siya kasi dito siya nakatira sa bahay.

"Your boyfriend is here." sumandal pa siya sa pader na kadikit ng pinto. Pumasok pa talaga siya ng kwarto ko.

Ano namang ginagawa ni Zack dito? Wala naman kaming usapan na bibisita siya ngayon.

"Okay." sagot ko tsaka nahiga ulit at tumalikod sakanya. Aantayin ko muna siya lumabas bago ako bumangon.

Agad ko rin nama  naramdaman na lumabas na siya ng pinto kaya dali-dali na akong tumayo at nag-ayos ng sarili ko. Ayaw na ayaw ko pa naman na minamadali ako at naiistorbo ang tulog ko. Bakit kasi hindi nagsasabi.

Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Sinalubong ako ng mga tingin ni Maam. Magkatabi sila ni kuya na nakaupo sa dining table.

Bakit ganon? Kakaiba siya tumingin ngayon at hindi ko 'yon kaya suklian. Ang sexy pa ng pagkakahawak niya sa baso.

Agad akong nag-iwas ng tingin at pumunta nalang kung san nakaupo si Zack. Kahit siya ang nasa harap ko ngayon ay iba ang naiisip ko.

Well, she's hot.

Like the coffee she's about to sip.

Wait.

Wait.

Wait.

What the hell am I thinking?!

Ano bang pinagsasabi ko? Hindi ko nga alam kung kape ba yung laman ng baso tapos may pa-hot hot pa akong nalalaman. Tsaka may hawak lang na baso, sexy na agad? Kailan pa ako nagkainteres sa mga babae?

Sa totoo lang, kahit ayokong aminin at ang awkward isipin ay totoo naman. Iba ang aura niya ngayon, parang... gusto mang-akit.

I'm kidding.

Nevermind.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Zack. Nakaupo lang siya sa sofa at nakangiti pang nakatingin sa akin. Akala naman niya natutuwa ako na bigla siyang bumisita. Gusto ko pa kaya matulog.

"Hi, woke up at the wrong side of the bed?"

Aba, tinanong niya pa talaga. Obvious naman pala eh!

"Oo." walang ganang sagot ko sakanya.

"Sungit. Tara nga dito"

Lumapit naman ako sakanya at niyakap niya ako. Kahit papaano ay nakakawala ng inis ang pagyakap niya sa akin.

Miss Evergreen (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon