Lauryn
"No."
"Yes."
"No."
"Look, wala ka ng magagawa. For a week lang naman 'to."
"NO." diniinan ko pa ang pagkakasabi.
For a week? Ang haba ng pitong araw. Hindi ko nga siya magawang kausapin eh tapos makakasama ko pa siya sa kwarto.
Naglilipat lang naman ako ng unan at kumot ko dahil sa kwarto ni Ma'am ako matutulog. Magstay kasi rito ang parents ko for one week at doon daw sila sa kwarto ko. Gulong-gulo na ako. Parang close pa nga siya sa parents ko tapos napapayag pa nila sa ganoong set-up eh akala ko ba nagbabayad siya ng rent dito o basta. Hindi ko na rin alam.
"Sa lapag ka?" tanong ni Ma'am Aria sa akin habang tinutulungan niya ako na ayusin yung mga gamit ko.
"Opo." tipid na sagot ko.
Napatigil siya sa ginagawa niya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin. Bakit naman? Hindi naman ako maarte ah. Okay lang naman sa akin sa lapag matulog. Mas okay 'yon kaysa awkward pag katabi ko siya.
"Gusto mo ba ako katabi?" ngumisi ako sakanya.
"Stop it. Your face." bumuntong hininga siya. "It's either sa lapag ako or sa kama tayo pareho." seryosong sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ayon naman pala eh. Gusto pala ako katabi. Lumundag na ako sa kama at nahiga. Ginagalaw-galaw ang mga kamay at paa ko na parang gumagawa ng snow angel.
Bigla naman akong napaisip. "Bakit hindi nalang si kuya dito?" tanong ko sakaniya.
"Bakit siya?"
Aba binalik lang sa akin yung tanong ko eh.
"How many times will I tell you? We're not dating or anything." dagdag pa niya.
Tumango-tango lang ako ng tatlong beses na parang bata.
Ang bango ng kama niya. Halatang napakalinis niya rin sa gamit. Parang gusto kong dito nalang ako matulog palagi. Char! Malinis din naman ako sa kwarto ko at sa gamit ko pero para akong hinahatak ng kama niya eh. Nagpagulong-gulong pa ako dito kahit alam kong nakikita niya ako.
"Kanina lang ay umaayaw ka tapos ngayon para kang bata diyan."
Parang bata agad? Sabagay bata pa naman ako palibhasa kasi siya matanda na. "Parang ansarap matulog dito sa kama eh."
"Why? Hindi ba masarap matulog sa kama mo?"
"Tabi ka kina mommy so you'd know." pagbibiro ko.
Binigyan niya ako ng 'Ah ganon-look'.
"Konti nalang at ibabagsak na kita sa subject ko."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Wag gano'n, Ma'am. Ang stellar ko kaya."
"I know. Kaso hindi ka masyadong nagfofocus. Tinutulugan mo pa nga ako eh."
Nahiya naman ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Ayoko lang naman na ilaan nalang halos lahat ng oras ko sa mundo sa pag-aaral. Marami akong mamimiss out sa buhay pag gano'n. Naalala ko nanaman tuloy 'yong nangyari pati na rin 'yong malditang si Brielle.
"Ano mo si Brielle? BFF?" pag-iiba ko sa topic.
Curious talaga ako sino ba 'yong babaeng 'yon. Pakiramdam ko kasi na ayaw niya sa akin.
"Hindi. Bakit mo natanong? Type mo ba siya?"
Ano raw? Type? Straight ako, 'no. Atsaka may boyfriend na ako ah.
BINABASA MO ANG
Miss Evergreen (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung makasama mo sa loob ng iisang bahay ang professor mo at hindi sadyang magkaroon ka ng kakaibang nararamdaman para sakanya? At isa pa, pareho pa kayong babae? Ano ang gagawin mo? StudentxTeacher GirlxGirl Story (July 05, 2020)