chapter 28

5.1K 102 1
                                    

(Pyper's POV)

Napabuntong hininga muna ako bago napag desisyonan na pindutin ang doorbell. Nasa tapat ako ng bahay ni ji. dahil ilang araw na kasi siyang hindi nagpapakita simula nang ma-hospital si ariell. Sabi ni tito angelo ay nagkukulong lamang daw ito sa kwarto at ayaw lumabas. Gusto ko siyang makausap.

Ilang sandali pa ay bumukas ang gate. Yung kasambahay nila ji ang nagbukas.

"Si claud po?" Tanong ko.

"Nasa kwarto mam. Ayaw po mag paistorbo."

Alam kong nahihirapan si ji sa sitwasyon ngayon. I wanted to comfort him. kailangan niya ng masasandalan ngayon.

Kakagaling ko lang din kahapon sa nilipatang hospital ni ariell para bumisita. Naging close na nga kaming dalawa at pati si dara ay kinausap nadin ako. Yung dahilan niya daw kaya hindi niya ako kinakausap ay dahil baka daw masabi niya sa akin yung kalagayan ni ariell. alam niya kasing si ariell ang dahilan ng pag aaway namin ni ji. Ayaw kasi ipa alam ni ariell yung sakit niya kahit kanino maliban sa kanila.

"Kakausapin ko lang po sana. Pakisabi po si pyper."

"Ayy naku mam. baka sigawan lang ulit ako ni sir. kung gusto niyo po kayo nalang kumatok." kakamot-kamot pa yung katulong.

"Osige po." Nagtungo na ako sa second floor kung nasaan ang kwarto ni ji.

Napahinto ako sa tapat ng kwarto ni ji. Parang nag alinlangan tuloy ako. what if ayaw niya akong maka usap? aish. kinabahan tuloy ako.

Kumatok ako pero walang sumagot. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ulit.

"GO AWAY!" rinig kong sigaw ni ji sa loob.

Aish. "Ji, si pyper to." Napahigit ako ng hininga ng marinig ko ang yabag niya.

Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto hindi ko inaasahan ng bigla niya akong hilain sa loob at yakapin.

"J-ji?" I stuttered. Mahigpit ang yakap niya at ramdam na ramdam ko ang lalim ng paghinga niya. at dahil naka pajama lang siya at walang pang itaas ay damang dama ko din ang init ng katawan niya.

"Pyper...dito ka lang please." His voice is hoarse. Naramdaman ko ang pag kilos niya at namalayan ko nalang na hinila niya ako pa punta sa kama. We both fell on the bed nang hindi siya humihiwalay sa akin.

Nakahiga kami pareho at nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko habang yakap ako. I can't see his face pero ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.

"Stay with me... plese." Bulong niya.

"Ji kahit hindi mo sabihin iyan... nandito lang ako. I know your hurting 'seeing her suffer... sorry ji dahil dinagdagan ko ang paghihirap mo." I heaved a sigh. naramdaman ko din ang pag init ng sulok ng mata ko.

"It's my fault I didn't tell you."

"No ji. It's not your fault. Naiintindihan ko na."

"Pyper I'm scared," napabuntong hininga siya. "I'm scared I might loose her. Ayoko nang may mawala na namang importanteng tao sa akin. Mahirap pyper... hindi ko kakayanin."

"Hindi siya mawawala ji. Kakayanin ni ariell yun... malakas siya. At habang lumalaban siya nasa tabi niya dapat tayo.. lalo na ikaw ji. You need to stay strong for her. ok?" Hinalikan ko ang noo niya.

Alam kong masakit para kay ji ang pinagdadaanan ni ariell. Kaya natatakot siyang makita itong nahihirapan. And seeing him like this breaks my heart too. Sanay akong makita si ji na lagi akong inaasar. Si ji na laging nakasimangot, si ji na may pagka manyak. lahat ng iyon ay mas gusto ko pang makita hindi ang ganito. I don't want him to see his vulnerable side.

here comes trouble [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon