Nagising ako ng makaramdam ako bigla ng pagka-uhaw. Umalis ako sa kama ko at lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina. Nasa ikalawang palapag ako kaya kailangan ko pang bumaba. Nakapatay na ang ilaw sa sala kaya ang nagsisilbing liwanag na lang ay ang ilaw na sumisilip mula sa labas.
I was about to enter in our kitchen when i heard voices. Kinakabahan ako kaya maingat akong naglakad at pinakinggan kung saan nagmumula ang ingay. I heard voices like they are talking to each other pero napakahina lang nito.
Nasundan ko ang ingay at nasa kusina yun banda. Sumilip ako mula sa pintuan ng kusina at mariing pinangkinggan ang boses. Nawala ang kaba ko ng makita kong si mommy lang pala at daddy na nag-uusap. Pero bakit sila nagbubulungan at parang nagde-debate? Bakit kailangan nakapatay ang ilaw? Curiosity hit me so instead of pumasok, i ended up eavesdropping to them.
"Edward she needs to know!" pabulong na pasigaw na sabi ni mommy.
"No Alice. I don't want her to know the truth. She is my daughter!" kagaya ni mommy, ganun din ang pagsasalita ni daddy na parang hindi mapakali.
Daughter? Ako ba yun? Ako lang naman ang nag-iisang anak na babae ni daddy at mommy ah. At anong hindi ko pwedeng malaman? I don't get it. Kinakabahan ako.
Kahit naguguluhan ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang pakikinig. I know that this is wrong na makinig sa usapan ng matatanda pero pakiramdam ko may kinalaman 'to sakin e.
"But she's turning 18 next month. Sinasabi ko sayo, magsisisi tayo kapag pinatagal pa natin ito."
"No honey, look. Hindi niya malalaman kung hindi natin sasabihin sa kanya. I don't want to hurt her, Alice. Not my princess" parang nagmamaka-awang saad ni daddy
Seriously, what's really happening with this two?!
"I know Edward, I know. Ako din naman, ayaw ko siyang masaktan pero gusto ko din na sabihin sa kanya ang totoo. I don't want to be selfish here"
"I said no, Alice." Madiing sabi ni daddy.
At dahil gulong-gulo na ako, hindi ko na napigilan na lumabas mula sa pinagtataguan ko. Nawala na din ang pagka-uhaw ko at ang antok ko. Inabot ko ang switch para e on ang ilaw sa kusina.
Gulat na napatingin sakin si mommy at daddy. Parang hindi sila makapaniwala na nandoon ako at narinig ang usapan nila. Tiningnan ko silang dalawa at nginitian ang mapait.
"B-baby? Kanina ka pa ba jan?" kabadong tanong sakin ni mommy.
Kahit anong klaseng katotohanan yun, I really want to know.
"Yeah. I accidentally heard your conversation with dad. I'm sorry"
Kitang-kita ko ang umukit na gulat sa mukha ni mommy. Nakatalikod samin si daddy kaya hindi ko siya makita.
"B-baby, come here. We need to talk"
Kinakabahan ako sa sasabihin ni mommy pero kailangan ko din 'tong malaman.
"Don't you dare, Alice!"
"No Edward! No! She needs to know!" sumigaw na din si mommy at tumingin sakin.
"Harmony, go to your room, now!" sabi naman ni daddy sakin.
Naguguluhan ako kaya tiningnan ko si mommy. Naluluha na din ako dahil sa nangyayari.
"m-mommy? What do you mean? Anong totoo ang kailangan kong malaman?"
Napaigtad kaming dalawa ni mommy ng umalingaw-ngaw ang ingay mula sa nabasag na baso. Galit na galit ang mukha ni daddy at nakakuyom lang ang noo neto. Hindi ko pa nakita si daddy na magalit ng ganito kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceHarmony Kate Dixon is just a typical girl who is happy and contented with her family. She has a family that loves her so much. However, Harmony doesn't know the hidden truth of what he calls family. What will happen to her when he found out the trut...