Good afternoon! Happy Reading.
--------
Mabilis ang bawat kilos ko dahil medyo na-late ako ng gising. First day of school pero napuyat ako dahil sa binabasa ko na comics kagabi. Medyo nawili ako kaya hindi ko na namalayan ang oras.
"Harmony, bilisan mo na at male-late ka na." sabi ni mama na kakapasok lang sa kwarto at tinulungan akong mag-ayos ng gamit ko na dadalhin ko sa school.
Sinusuklay ko ang lagpas sa balikat na buhok ko at hiyaan na ilugay ito. Sunod kong inayos ay ang necktie ko. Inayos ko din ang pagkaka-tuck in ng blouse ko sa palda ko na hanggang tuhod. Medyo fit din ang uniform ko dahil ito ang required ng school.
Hindi naman pangit sakin tingnan yun dahil medyo may kurba ang katawan ko at matangkad ako ng kunti. Sunod akong nagsapatos at isinukbit naman ni mommy sa balikat ko ang bag ko.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakasaksak atsaka nilagay ito sa bulsa ng uniform ko. Sumilip pa ako sa salamin na dala ko bago sabay na lumbas ni mommy sa kwarto.
"Mom, alis na po ako." i said ang kissed mom.
Sumakay na ako kotse at sabay na pumasok ni kuya Clinton. Nasa kabilang building lang naman ang college department kaya sabay kaming pumapasok ni kuya.
Habang si kuya Irvin at kuya Ken naman ay sa ibang school piniling mag-aral. After 10 minutes, we arrived safely at school. Bumaba ako sa harapan ng gate dahil ipa-park pa daw ni kuya ang sasakyan niya.
Maraming tao ang naglalakad papasok dahil malapit na din ang time. Naglakad na ako at tinungo ang magiging room namin. Nakita ko na naglalakad si Shane sa corridor kaya hinabol ko siya agad. Lakad takbo ang ginawa ko dahil sa bilis niya maglakad.
Nang maabutan ko siya ay marahan ko siyang binatukan. Tiningnan niya naman ako ng masama pero nang makitang ako yun ay mas malakas na binatukan ako.
"Aray ah! May balak ka bang isubsob ako sa sahig?" sabi ko habang inaayos ang medyo nagulo kong buhok dahil sa pagkakatungo ko sa batok niya.
"Ikaw nauna e." at inirapan pa ako.
"Demonyo ka talaga e noh?" inakbayan lang ako neto at sabay na umakyat papuntang second floor. Doon kasi banda ang magiging classroom namin ngayong Grade 12. At dahil dati na kaming nag-aaral dito, karamihan ay kakilala na namin.
Nang makapasok kami ay isa-isa kong nginitian ang mga kaklase ko na kaklase din namin last year. Syempre hindi din natin maiwasan yung mga gumanda nating mga kaklase kaya halos hindi na natin makilala.
Pumili na kami ng upuan namin ni Shane at napili namin na sa gilid kami umupo ng last row. Ang maganda sa school na ito ay hinayaan nilang mamili ang studyante ng kanilang seating arrangement.
May isang bakanteng upuan sa likod namin ni Shane kaya doon ko pinatong ang bag ko para komportable ako sa upuan ko. Wala naman sigurong uupo dito dahil ito na ang pinakahuli na upuan.
Halos lahat ay nasa room na ng biglang pumasok ang isa sa mga kaklase namin. Medyo hinihingal pa 'to kaya nagtaka kami.
"Good morning everyone, I have an announcement so listen." she said.
Natahimik naman kami at hinintay ang sasabihin niya.
"We have a new classmate this year!" she exclaimed. May iba pang nagpalakpakan kaya naki-palakpak na din kami ni Shane.
New face, nice.
"Good Morning class."
Nagtayuan kami nang makarating teacher namin. Binati din namin siya at pagkatapos ay umupo na.
"Since this is our first day, we will not having a lesson today."
"nice!"
"yes!"
"salamat naman!"
"Buti naman at hindi siya kagaya nung advicer natin last year na lesson agad." bulong sakin ni Shane na nasa right side ko.
Tumango lang ako at nakinig sa ibang sasabihin ng teacher. Wala siya sa ibang subject teachers namin last year kaya hindi ko siya kilala.
"Since you are not my students before, we're going to introduce yourself to me one-by-one." she said.
"Before we start, I want you all to know that you have a new classmates for this year." she added.
"Classmates?" sabay na sabi namin ni Shane. So hindi lang isa ang new classmates namin?
Napatingin kaming lahat sa pintuan nang pumasok na dahilan kung bakit natahimik ang buong classroom.
A man enter our classroom. He's wearing our uniform already. Bagay na bagay sa kaniya ang uniform ng boys because of how the uniform fit on his body and his height. Ang tangkad niya kumpara sa mga height ng ibang boys na nandito sa school.
Nakatungo lang siya kaya hindi ko pa masyado makita ang mukha niya. His perfect jaw line can tell me that he is handsome. Nakapamulsa pa ito habang papasok kaya naman hindi na maalis ang tingin ko sa kanya.
Nang makarating siya sa gitna ay saka siya tumingala, and we saw his face properly. Ba't parang familiar siya?
I was about to ask Shane if we saw him pero agad nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino siya.
He's the guy who bumped me at the mall!
"No one babe, it's just a wasting of time. Let's go?"
Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ko yun. Nakakainis naman at dito pa kami magkikita sa school. Nababanas na ako sa pagmumukha niya sa mall. How much more na lang dito sa school at magkaklase pa kaming dalawa.
He ruin my day, again!
"He is your new classmate. Hindi pa makakapasok ang kasama niya dahil may inaasikaso pa ito kaya mahuhuli siyang pumasok." she explained.
Tiningnan ko ng masama ang lalaking nasa harapan nang magtapo ang mata namin. Pero katulad nang ginawa niya sa mall, he just smirk at me. Nakakaasar talaga ang lalaking yan.
"Tamang-tama lang dating mo. Ikaw na ang mauunang magpakilala since lahat naman sila ay magkakakilala na last year." sabi sa kaniya ng teacher namin. Tumango lang siya saka inalis ang tingin sakin.
Naaasar na ako sa pagmumukha niya.
"Hi everyone. My name is Cyrus Bryant Heldridge, nice to meet you all."
"Cyrus?" nagkatinginan naman kami ni Shane dahil sa narinig namin. Cyrus? Diba--no, baka magkapangalan lang sila. Masyadong mabait si Cyrus. Kahit sa reply niya lang sa mga tweet ko ay masasabi ko nang mabait siya.
"Baka magkapangalan lang." agad na sabi ko kay Shane.
"oo nga noh?" at tumango kaming dalawa.
"Anyone na may katabing bakante jan na upuan. Ang alam ko ay nilagyan nila ng upuan ang classroom na 'to dahil sa bagong magiging kaklase niyo."
Huminto ang tingin ni ma'am sa direksiyon ko. May sinabi si ma'am sa bago naming kaklase at naglakad ito sa direksiyon namin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong sa likod ko siya patungo.
Kinalabit ako ni Shane kaya napatingin ako sa kanya.
"Bag mo." she whisper.
Agad kong tinanggal ang bag ko na nasa magiging upuan niya. Narinig ko pa siyang nag 'tss' pero hindi ko na pinansin.
Hindi ko pa lang siya nakikilala ng lubusan, pero parang sasakit ulo ko sa lalaking 'to.
As if I care.
-------
Don't forget to vote! Thank you.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceHarmony Kate Dixon is just a typical girl who is happy and contented with her family. She has a family that loves her so much. However, Harmony doesn't know the hidden truth of what he calls family. What will happen to her when he found out the trut...