Happy reading :>
-----
Sa buong isang lingo ay wala namang special na nangyari sa school o sa bahay man. Pero nitong nakaraang araw ay hindi pa rin nakulangan ang inis ko sa lalaking nasa likuran ko. I hissed when he kick my chair again and again. Makalipas ang isang linggo ay nagsimula na niya akong inisin ng palihim.
Hindi ko pinapansin pangbu-buwesit niya sakin pero kunting tiis na lang ay masasapak ko na 'to. Tiningnan ko siya mula sa likuran dahil hindi ako maka-focus sa pakikinig dahil naiinis ako sa lalaking 'to.
"Pwede ba? Wag mo ngang sipain yang upuan ko. Ikaw talaga sisipain ko jan!" I half shout half whisper. Pero ang gago, ngumisi lang.
Nagpasalamat ako nang biglang mag bell. Lunch time na.
"Harmony, hindi kita masasamahan ngayon kumain ah?"
Nagtataka akong tiningnan si Shane na nagmamadaling magligpit ng gamit niya.
"Where are you going?" I asked.
"Magpapaalam ako sa teacher natin na uuwi ako ngayong hapon. May kunting problema lang kasi sa bahay kaya pinapauwi ako ni mommy at daddy." She said and smiled.
Tumango naman ako at nagpaalam na din siya pagkatapos.
Wala akong magawa kung hindi maglunch mag-isa ngayon. I was about to leave when Cyrus pull my bag, dahilan kung bakit ako napaatras sa kaniya.
"Ano na naman bang trip mong depongal ka?" inis na tanong ko.
"I have my name." he said while raising her thick and black eyebrow
"Well, I don't care." at inirapan siya.
"Sabay tayong mag lunch." Diretso niyang sabi.
Napatingin naman ako kaagad sa kaniya.
"What?" narinig ko naman pero baka mamaya nagkamali lang ako ng dinig.
"Hindi ka lang pala bulag, bingi ka pa pala" he chuckled.
"Idiot." Naglakad na ako at hindi siya pinansin pero hinila naman niya ang bag ko sa likuran. This time, medyo malakas kaya bumangga ako sa dibdib niya. Naamoy ko naman ang pabango niya.
"Sa ayaw at gusto mo, sabay tayong magla-lunch." He whisper. Kinalibutan ako kaya agad akong lumayo sa kaniya.
Naglakad na ako at sumunod naman siya. Liliko na sana ako para pumunta sa cafeteria nang bitbitin niya ang bag ko kaya nahila niya din ako. Masyado siyang matangkad kaya hindi ako makawala sa kanya.
"T-teka..-h-huy san tayo pupunta?" hinila niya ako at nakitang papunta kami sa parking lot ng school.
Binitawan niya ang bag ko at binuksan ang kotse na nakatabi namin.
"Get in the car" he said.
"Ayoko nga! Ba't naman ako sasakay jan?" I was about to run pero hinila niya naman ako pabalik at marahan niya akong tinulak sa sasakyan.
"Huy! Baka mamaya kidnapper ka pala ha! Wala kang makukuha sa akin at sa pamilya ko. Hindi kami mayaman kaya wag mo na ituloy yang balak mo!" sunod sunod na sabi ko.
"Anong pinagsasabi mo jan babae? I just want have a lunch with you kasi wala akong kasama."
"Bakit ako? Hindi naman tayo close para isabay mo ko sa lunch. Tsaka ba't tayo sa labas kakain?"
"I don't like those food in cafeteria. Walang lasa."
Nagsimula nang umandar ang sasakyan kaya tumahimik na lang ako at tinext si Shane.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceHarmony Kate Dixon is just a typical girl who is happy and contented with her family. She has a family that loves her so much. However, Harmony doesn't know the hidden truth of what he calls family. What will happen to her when he found out the trut...