Prologue

39K 837 135
                                    


WARNING: Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at events ay hindi sinasadya. This story may consists of violence and sensitive topics or scenes. Open minded readers are needed.

Keep in mind that the author don't edit her stories here in Wattpad. So expect the grammatical and typo errors ahead.

July 13, 2020 🌸💛

PROLOGUE

"BE my driver today. Dad is busy and mom as well. My driver took a vacation a few days ago and I am suffering from menstrual cramps right now. I really can't drive. Please. Pretty please. I'm here outside. I'll be waiting for you. Please..." Khristinne was begging while talking with someone over the phone.

"I'm busy." Napaismid siya nang bigla siya nitong binabaan ng tawag.

"Walang puso." Nakasimangot na sambit niya at namilipit sa sakit ng puson niya.

Why do girls always suffer from what they called dysmenorrhea? Bakit hindi nila ito ipatikim sa mga kalalakihan at nang maintindihan nila ang nararamdaman ng mga kababaihan?

Pinagpapawisan na tinungo niya ang driver's seat. She have no choice but to drive on her own.

"Prinx Kal Smith, wala ka talagang puso. I hate you." Mangiyak-ngiyak na bulong niya sa sarili.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at biglang napatili nang may bumuhat sa kaniya. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Prinx na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa kaniya.

"Akala ko ba busy ka?" Singhal niya.

Hindi ito umimik. Sa halip ay pinakatitigan nito ang mukha niya, tila pinag-aaralan siya. Mula sa pagkunot ng noo nito ay napalitan iyon ng pag-aalala.

"Masakit?" Tanong nito.

Bigla ay para siyang natameme. Hindi siya sanay na ganito ang tono nito. She used to hear his cold and strict voice. Or maybe because she's just not used to hear his gentle voice.

"Siyempre, masakit." Napasimangot siya.

Napailing ito at kapagkuwan ay naglakad. Maingat siya nitong pinaupo sa shotgun seat ng kotse niya. He even buckled her seatbelt before he walk towards the driver's seat.

Nang nasa biyahe na sila ay napapikit siya. Panay ang ngiwi niya, iniinda ang sakit ng puson.

Napamulat lang siya ng mga mata nang maramdamang huminto ang sasakyan. Tumingin siya mula sa labas at nakahinga ng maluwag nang makita ang bahay nila. Sa wakas ay makakapagpahinga na siya. She really just want to lay down on bed all day.

Nilingon niya si Prinx nang bumaba ito mula sa kotse. Binuksan nito ang pinto malapit sa kaniya at siya ay awtomatikong iniangat ang dalawang mga kamay, nagpapabuhat.

Naiiling na binuhat siya nito na ikinangiti niya.

"Thank you." She murmured.

Aaminin niyang napaka-spoiled niya kay Prinx Kal kahit pa may pagka-suplado ito. Magrereklamo ito pero kalaunan ay gagawin din naman nito ang mga gusto niya.

Prinx carried her towards her room. Maingat siya nitong pinahiga sa kama at walang imik na lumabas.

Nang makabalik ito ay may dala na itong hot compress.

"Don't you want to take medicine for your dysmenorrhea?" He asked.

Umiling siya.

"I don't want to. Hot compress will do." Tugon niya.

One Sweet Mistake (Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now