Chapter 2

22.8K 700 90
                                    

CHAPTER 2

"I MISS YOU." Anas ng fiancee niya nang maghiwalay ang mga labi nila.

"I miss you, too. Kakatapos mo lang sa duty mo?" Tanong niya.

Tumango ito at ngumiti. Her fiancee, Raven Kennedy, is also a doctor in J'Smith hospital.

"Sinundan kita dito." Anito at hinaplos ang pisngi niya.

Tumango siya at ngumiti.

"How was your day?" She asked.

"Busy as hell. Pero mas busy ka kaysa sa'kin. I heard you operated on a patient for six hours. You okay?" Hinalik-halikan nito ang gilid ng labi niya.

"Yes, baby. I'm okay. It's my off tomorrow so I'll take a rest." Tumango ito.

"Let's have a long trip tomorrow. It's my off as well. Punta tayo sa Baguio o kaya sa Tagaytay. Or sa Hong Kong na lang?" Anito at napakamot sa ulo.

Mahina siyang natawa.

"Gusto mo lang akong solohin." Pilyang aniya.

Natawa ito.

"Solong-solo na kita kapag kasal na tayo. I can't wait for that." Hinalikan siya nito sa pisngi.

"'Wag kang atat. Tatlong buwan pa bago ang kasal natin no."

"Yeah. Three months left..." Inilapit nito ang bibig sa tenga niya. "at matitikman na kita."

Pinalo niya ito sa braso.

"Bastos ka." Natawa ito sa sinabi niya.

Raven is her boyfriend for three years. Pangatlong boyfriend niya yata ito at ito lang ang tumagal sa kaniya. Nag propose ito ng kasal sa kaniya five months ago. Tinanggap niya ang proposal nito at ngayon nga ay ikakasal na sila after three months.

Her fiancee is financially stable. Isa din ito sa magagaling at bihasang doctor. Sucessful din ang negosyo ng pamilya nito. Hindi mahirap para sa mga magulang niya ang tanggapin sa buhay nila si Raven. Basta't ang hiling lang ng mga ito ay 'wag na'wag siyang magpapabuntis hangga't hindi pa naikakasal.

She haven't give herself to anyone yet. Hindi pa siya handa sa ganoon. Kaya sila ni Raven ay hanggang halik lang at hindi na doon lumalampas pa.

"I want to have dinner with you tonight but I have an appointment, baby. Hindi kita maihahatid, okay lang ba?" Tumango siya.

"It's okay. May lakad din naman ako ngayong gabi. I'll visit Missy on her work tonight. Just want to see her. Mahigit isang buwan na din kaming hindi nagkita." Aniya na ang tinutukoy ay ang pasyente niya noon na naging kaibigan niya.

Missy is working in a five star hotel. It's her father's hotel, actually. Sinadya niyang bigyan ng trabaho si Missy sa sarili nilang hotel.

Balak niyang puntahan si Missy ngayong gabi at mag dinner na rin siguro kasama ito. Tutal ay malapit na rin naman ang out nito sa trabaho.

"So, see you tomorrow? Susunduin kita sa bahay niyo." Muli siya nitong hinalikan sa pisngi.

Pareho silang nagpaalam sa isa't-isa. Nang makapasok siya sa kotse niya ay nagpalit siyang damit. Lagi siyang may dalang extra shirt sa kotse niya.

Nagmaneho siya patungo sa hotel nila. Missy is a receptionist kaya nang makarating siya doon ay kaagad niya itong nakita.

Akma niya itong tatawagin pero may kausap itong lalaki kaya hindi niya itinuloy. Ang lalaking kaharap nito ay malaki ang katawan at napuno yata ng tattoo ang mga braso nito. Mukhang nakikipagtalo pa yata ang kaibigan niya sa lalaki.

One Sweet Mistake (Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now