CHAPTER 1
HALOS mabuwal siya pagkatapos lumabas mula sa operating room. Anim na oras lang naman niyang inoperahan ang pasyente. Gutom na gutom na siya at ang sakit-sakit ng katawan.
Dagdagan pa ang pagkahilo niya dahil 24 hours na siyang nasa ospital. Pero dahil doktor siya at kailangan siya ng mga pasyente, kailangan niyang panindigan ang pinasukan niyang propesyon.
"Uh, I'm so hungry." Halos mangiyak-ngiyak siya habang naglalakad sa hallway. Hinihilot niya ang sariling batok.
Pumasok siya sa sariling opisina at pagbagsak na umupo sa couch. Hindi niya napigilan ang sarili at humiga doon.
"Okay, let's sleep first, Khristinne. Mamaya ka na kumain pagkatapos mong matulog, hmm? Naasikaso mo na rin naman 'yong mga pasyente mo kaya matulog ka na muna." Para siyang timang na kinakausap ang sarili.
Komportable niyang isiniksik ang sarili sa sandalan ng couch at pumikit.
"Uh, this is heaven." Bulong niya.
She really needs to sleep. She didn't even bother to take off her doctor's robe and her white shoes. Hindi siya puwedeng umuwi sa bahay na antok na antok dahil siguradong mapapagalitan na naman siya ng mga magulang niya. Sasabihin na naman ng mga ito na masyado siyang dedicated sa trabaho niya na halos patayin ang sarili sa ospital kung saan siya nagtatatrabaho.
"You skip your meal again." Bigla siyang napamulat ng mga mata at napabalikwas ng bangon.
Nagugulat na tumingin siya kay Prinx Kal na prenteng nakaupo sa office table niya habang ang mga kamay nito ay nasa bulsa nito.
Napahawak siya sa dibdib. Totoong nabigla siya.
"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa diyan?" Ni hindi niya namalayan ang presensya nito kanina.
Naiiling na kinuha nito ang ilang tupperwares na nakapatong sa office table niya at lumapit sa akin. Pinatong nito ang mga tupperwares sa maliit na glass table na nasa harapan niya.
"Eat first." Anito habang isa-isang binubuksan ang mga tupperwares.
Bigla siyang naglaway sa mga nakikitang pagkain.
"Hulog ka talaga ng langit. Thank you." Masayang sambit niya.
Kunot ang noong pinitik nito ang noo niya nang akmang dadambahin niya ang pagkain.
"Aray! Ano ba? Ang sakit!" Kaagad na reklamo niya.
"Wash your hand first, will you?" Istriktong utos nito.
Alanganin siyang ngumiti.
"Opo, kamahalan." Aniya at tumayo.
Natigil siya sa paglalakad nang lapitan siya nito at awtomatikong hinubad ang suot niyang doctor's robe. Pinatong nito iyon sa swivel chair. Hinayaan niya itong asikasuhin siya.
Hinila siya nito patungo sa maliit na dirty kitchen ng opisina niya. Her office is very comfy. Halos kumpleto ang gamit sa loob. Kaya nga minsan ay sa sariling opisina na siya natutulog kapag gahol siya sa oras.
She just watch Prinx washing her hands. Ito din ang nagpunas ng mga kamay niya nang matapos. Titig na titig lang siya sa binata. Bulgaran niyang pinapakita ang pagtitig niya sa matalik na kaibigan.
"What?" Masungit na tanong nito nang tumingin sa akin.
She just smiled. Suplado talaga ang mokong na 'to. Pero hindi uubra ang kasungitan nito sa kaniya.
"You're spoiling me too much. Hindi ba nagseselos ang fiancee mo?" Tanong niya at humagikhik.
Mahina nitong pinitik ang tungki ng ilong niya.
YOU ARE READING
One Sweet Mistake (Completed on Nobelista)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR 18 YEARS BELOW. Prinx Kal Smith. The Second Generation. A mistake that they couldn't avoid. A mistake that will make their true emotions come out. A mistake that leads and bring them to the tru...