1st Gift
Studies. Alam kong magaling ako dyan, pero kailan ba ko matatapos mag-aral? Pag ininterview ka ba sa trabaho, tatanungin ka kung ano ang sagot sa x+y. Ang alam mo lang naman dapat dyan is yung basics gaya ng addition, subtraction, multiplication at division.
Pero mas maiinis ka kapag ito na ang pinag-aaralan mo, ADVANCE ALGEBRA. Sino kayang tuwang tuwa sa subject na yan? Nanakawin ko ang utak. Ay teka, wag na lang pala. Mas precious pa rin ang brain ko sa kanya.
“CHESKA UMALI! You’re not listening again to my class, tulala ka na naman dyan”
Kung hindi lang ako magalang, sasagot ako dito eh. Ano bang pakialam nila kung hindi ako makinig? Kung bagsak, edi bagsak. Kasalanan nya yun, boring syang magturo.
“sorry sir”
Let me introduce myself, heeeere’s comes trouble! Saranghae!
Okay. My name is Cheska Janine Umali, 4th year highschool student sa (toot) academy.
Hindi ko itatanggi na isa kong spoiled brat. Kung anong gusto ko, mapapasakin. Kahit ano pang bagay yan, kayang kaya kong kunin. Pano? Syempre, ano bang umiiral sa bansa natin ngayon? Pera lang naman. Mayaman ang parents ko, at dahil hindi sila masyadong nakakapagbigay sa'kin ng time, kung anong hinihingi ko sa kanila eh agad nilang ibinibigay. Hindi ako galit sa parents ko dahil dun, alam ko naman kasing nagtatrabaho sila para sa'kin. Tsaka nagbo-bonding kami every month kaya open pa din ako sa kanila.
Kilala ako sa school namin, pero hindi ako sikat. Kung bakit, hindi ko alam.
“(poke) cheska! Labas tayo mamaya…”
Nakaramdam ako ng isang daliri na sumusundot sa tagiliran ko. Tss.
“Bakit?”
“Ganyan ka na pala, hindi mo na ko itinuturing na bestfriend.”
Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi ng isang toh? Masyadong tampuhin.
“Ano ba yang mga pinagsasabi mo Cathy? Tinatanong lang kita kung bakit tayo pupunta dun. Tampuhin mo."
Kahit kelan talaga, napaka tampuhin ng bestfriend ko. Hindi ko nga alam kung bakit ito pa ang naging kaibigan ko eh. Minsan nakakarumi na. Konting imbot lang, mag-iinarte na.
“Makikitae kasi ako dun. Wala kasing tubig sa bahay namin na pambuhos. At least dun, isang flash lang sa kubeta at tsaka makapal na tissue, ayos na." sarcastic nyang sagot sa'kin.
“Bakit ang pilosopo mo?” iniripan ko sya tapos ay tumingin na ko sa teacher namin.
“Ikaw naman, jino-joke ka lang eh. Mags-shopping tayo dun.”
“Bakit ba kasi ayaw mong ayusin ang pananalita mo, sa susunod na mamilosopo ka sa'kin, lalagariin ko yang leeg mo.”
BINABASA MO ANG
My Christmas Gift for a Gangster
Teen FictionWhat she wants, she gets. She have the money. She have the beauty. She have the brain. She have a bestfriend. She have an ex-boyfriend. All the things that girls want to have, she has. She have everything. But what 'GIFT' can she give to a gangster...