3rd Gift

12.6K 110 9
                                    

3rd Gift

Nagsisimula na kong kabahan.

Napasubo ata ako! Sinong ipapakilala ko sa kanyang boyfriend? Magmumukha akong katawa tawa sa harap ng hinayupak kong ex at hindi dapat mangyari yun. Pero sinong ipapakilala ko sa kanya bilang boyfriend?

Sabihin ko na lang kaya sa kanya na may sakit ang boyfriend ko, tapos baka mahawaan sya kaya di ko muna sya maipapakilala. Tama! Ganun.. hindi naman siguro magiging obvious kung magsisinungaling ako, di ba?

Tali-talino ko talaga,

Iba na talaga ang brainy!

[DISMISSAL]

Mukhang hindi dapat ako makita ni Derrick, parang hindi naman kasi uubra sa kanya ang naisip kong palusot.

Tatakas na lang ako. Yun ang best way.

Lumabas ako ng room ko at nagpaalam kay Cathy, pag magkasama kasi kaming lumabas eh siguradong mahuhuli ako.

Sinimulan kong bilisan ang lakad ko para makalabas agad. Nagpulbo pa ko ng makapal para di nya ko makilala. Iniharang ko din sa mukha ko ang buhok ko para hindi na nya talaga ko makilala.

Pero napakadalas talagang dumating ng kamalasan sa life natin noh? Gaya ngayon. Kasalubong ko lang naman sya.

Pag minamalas ka nga naman.

“CHESKA!” tawag sa'kin ni Derrick.

“Oh Derrick? Ikaw pala... Kamusta? Hehe.”

“Bakit parang nagmamadali ka naman atang lumabas ngayon?”

"Hindi ah. Ano lang, mabilis talaga kong maglakad."

GO CHESKA FOR THE BEST ACTRESS!

"Ganun ba? Parang pag naglalakad naman tayo dati eh hindi ka naman ganun kabilis maglakad."

Kailangan talagang mag reminisce ngayon? 

"So, asan na ang boyfriend mo?" kasunod nyang tanong.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Papanindigan ko na nga ang naisip kong palusot.

“HA? Ah eh. May sakit sya ehh, pinauwi sya nung nurse kanina.”

Sana di nya ko nahalata. Lord... PLEASE!!!

“CHESKA, ilang months ding naging tayo… kaya yang mga ganyang kilos mo, alam ko! You’re not good in lying you know? Kakagaling ko lang sa clinic dahil humingi ako ng gamot para sa ubo ng kaklase ko.”

My Christmas Gift for a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon