Chapter: 1

11 1 0
                                    

**************

   Abala aku ngayun sa panonood ng paboritu kung palabas ng bigla nalang magsisisigaw si Pat. kapatid ko.

   "Ate! Ate!" Paulit-ulit nyang tawag sakin. Parang tanggang sigaw ng sigaw. Ang tinis pa naman ng kanyang boses. Nakakairita.

   "Ano!?" Inis kung sagot ng makapasok sya sa kwarto ko. Hingal na hingal sya ng makapasok daig pa nitung nakipag sabong. Sabog na sabog.

    "Ate! N-nasa baba si kuya Yuhan." Hinihingal nitung turan. Nangunut naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Anung ginagawa ng unggoy na yun dito?.

    "Sabihin mo wala aku dito." Walang ganang utos ko sakanya.

    "Piru ate nasa baba na sya eh." Riklamo nito. So what?. Padabog nalang akung napabangon sa kinauupuan ko at pinatay yung tv.

Pesteng unggoy.

   Pagbaba ko palang ay sinalubong nya agad aku ng nakakairitang ngiti. Plastik naman akung ngumiti sakanya. Unggoy.

   "Nung ginagawa mo ritu?" Walang gana kung tanong. Nakangiti parin sya sakin at nakaka irita iyun.

   "Gusto sana kitang yayaing lumabas." Sagot nito hindi parin mawala ang ngiti sa labi. Di ba sya nangangawit?

   "May lakad aku." Pag sisinungaling ko. Gwapo si Yuhan. Ika nga nila sya ang "Campus bae" sa pinapasukan kung paaralan. Three months na nya akung pinipeste. Kisyu gusto nya raw ako. Paki koba?.

    "Samahan nalang kita?" Nakangiting pag prisinta nya tsh.

    "Wag na. Hindi ko kaylangan ng kasama." Walang gana ko paring sambit. Ano namang gagawin nito? Mamimeste?

    "O-okay." Sambit habang parang napapahiyang nakamot ang batok.

    "Pwede kanang umalis." Walang kagana gana kung pananaboy sa kanya. Nakita ko kung pano nawala ang ngiti nya sa labi. At alinlangang tumingin sa akin.

     "P-piru kararating ko lang." Sambit nya. Abay paki ko. Walang imosyon ko lang sya tinignan pagkatpos ay isininyas ang pinto. Nagaalinlangan naman syang lumabas.

     Ng makalabas sya ay hinarap ko agad si Pat na kanina pa nakatayu sa may kusina. "Sa susunod sabihin mung wala ako." Utus ko rito hindi ko na sya hinintay na makasagot at tinalikuran ko na sya at umakyat papuntang kwarto.

Kung di sana nameste yung unggoy na yun sana natapos ko natung pinapanood ko. Feel na feel naman nyang kaya nya akung makuha. Huy.. Fyi. Hindi ako pumapatol sa unggoy. Pinagkakalat pa nitung sasagutin ko na sya. Kaya ayun ang dami kung basher. Lahat sila may gusto sa unggoy. Yuck.

Wala akung balak magkajowa. Kahit pinipilit na ako ni mama at ng kapatid ko. Ayaw ko parin. Puro sila unggoy. Mas pipiliin ko nalang maging single forever kisa makisama sa lalakeng mukhang unggoy. Pwee..

   
     
       "Ate?" Nagising ako dahil sa katok na narinig ko. Hindi ko manlang namalayan na nakatulog na ako sa panonood. "0h." Humihikab kung sagot. Naginat inat muna ako bago bumangon at binuksan yung pinto.
   
   "Bakit?" Bungad ko sakanya. Walang ka ano anong pumasok sya at naupo sa kama ko. Kwarto mo teh?

Wala akung nagawa andito na e. Isinarado ko nalang uli yung pinto pagkatapos ay bumalik sa paghiga.

    "Nung kailangan mo?" Walang ganang nakapikit na sambit ko.

     "Bat ganun ka kay kuya Yuhan?" Tanong nitu. "Bawal ba?" Pabalik kung tanong. Narinig ko naman syang bumuntung hininga. Problima nito?

      "Ate, Ano ba naman mag bebente kana tapos single ka parin. Ate, usu na jowa ngayun." Sabi nitu. Hindi nalang ako nagsalita. Ano bang problima kung wala akung jowa?

     "Si kuya, Yuhan. Palaging andyan para sayu. Ate, three months. Kana nyang nililigawan tapos nagpapakipot kapa. Hay. Naku Ate." Daldal nitu nanatili parin akung tahimik.

    "Tapos ate ano pang hahanapin no Kay Kuya, Yuhan gwapo, mayaman, matalino asan kapa." Patuloy nitu. Inaantok nako. Hindi parin ako nagsasalita. Nanatili lang akung nakapikit.

      "Wuyy! Ate, nakikinig kaba?" Naiinis nitung sabi habang yinuyugyug ako. Inis akung napabangon sa kama. "Ano ba!" Gilalas ko. Bad trip eh.

      "Ate, naman e. Di ka nakikinig!" Inis nyang sabi. Tinignan ko naman sya ng masama. "Walang kwenta mga sinasabi mo." Walang gana kung turan at bumalik sa pagkakahiga.

      "Alam mo Ate, isang araw kakarmahin Karin." Yun lang pagkatapos ay padabog na syang umalis. Sa wakas matatahimik narin.

Dyosme. Naniniwala sya sa karma. Haha. Gague. Karma, karma haha.

Jowa? Sa panahun ngayun wala ng matinung lalake kaya mas masaya maging single. At isa pa kung mag jojowa aku sisiguraduhin kung hindi sya tao. Haha.

**********cantinue.******
  

My Download BabyWhere stories live. Discover now