"Gumising ka na punyeta ka ipagluto mo na kami ng makakain"
Napabalikwas naman ako ng bangon ng marinig ang boses ni papa kasabay ng pagkalabog nya sa pintuan ng kwarto ko.
"Bilisan mo at may bisita akong paparating mamaya, umayos ka.Bilisan mo na at maglilinis ka pa ng bahay, wag kang pasarap sa buhay, dakilang palamunin"
Pagkaalis nya ay dali dali na akong naghilamos at bumaba.Magluluto na ako ng almusal, masarap kaya kapag sama ng loob binuhos ko dito kesa sa magic sarap?
Pagkatapos ko magluto ay inihanda ko na din ang hapag kainan, hmmm nakakagutom naman ang amoy ng sinangag na kanin tapos ulam ay tuyo.
"Mama, papa, kuya Ace! Kakain na po tayo"
Akmang uupo na ako ng pinitpit ni mama ang kamay ko.
"At sinong may sabing sasabay ka samin kumain ha? Naiirita ako sa mukha mo, maglaba ka na lang bwisit na to sinisira ang umaga ko"
"Ay ganon po ba? hehe sige po maglalaba muna ako sa may bakuran, tawagin nyo na lang po ako pagkatapos nyo kumain"
Ngumiti ako at tinalikuran sila, sanay naman na ako, nakakasama lang ng loob minsan, pero kahit ganon hindi ko pinapalago ang sama ng loob ko dahil di naman ako kikita don ng pera kaya bat ko gagawing business?
Nag igib ako ng tubig na gagamitin ko at saktong pagtapos ko ay dumating si kuya na may dalang pinggan na may lamang kanin at ulam.
"Kumain ka na muna, baka malipasan ka pa"
"Tapos na ba kayo kuya? Salamat po!"
"Oo, lumabas lang ako para magpahangin, pinapatawag ka nila sakin para iligpit yung pinagkainan pero no worries na bunso, hinintay ko na lang sila makaalis sa hapag bago ko nilinis yon"
Napangiti na lang ako, napakaswerte ko pa din talaga, nagkaroon ako ng kuya na ganito.Di ko naman kailangan magustuhan ng lahat, kahit isang tao lang basta maipaparamdam nya sayo na kamahal mahal ka, masarap na sa pakiramdam.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at pumuntang kusina para hugasan ang
pinagkainan ko.Aktong papunta na ako sa aking gawain ng makita ko yung lalake kahapon, tila isang estatwa, di ako makagalaw, anong ginagawa nya dito?
"Magandang araw Kanor" bati nya ay nginitian si papa bago ilipat ang tingin sakin.
Creepy ka po huhu.

BINABASA MO ANG
Ready, Get Set, Go
Sonstigesang story na to ay ginawa ko dahil wala lang, amboring kase 😃👈