Napakagandang pagmasdan ng mga ibon sa kalangitan, sana kagaya nila, ako din ay malaya.
Habang nakaupo at nagpapahangin sa ilalim ng puno, pilit kong tinatakasan ang mga bangungot na araw araw kong hinaharap.
Nagulat na lang ako ng may biglang himiklat sa palapulsuhan ko, sa sobrang higpit ay namula kaagad ang balat ko.
"S-sino po kayo?"
Kung titignan mo sya ay mangingilabot ka, ang mga labi nya ay nangingitim na dahil siguro sa kahihithit ng sigarilyo, ang kanyang buhok ay tila magkakaaway sapagkat may social distance sila sa isa't isa, konti na nga lang kayo bat di pa kayo mag sama sama?
Napabalik ako sa reyalidad ng mas lalo nyang diinan ang pagkakahawak nya sakin.
"Ang tatay mo ay nangutang sakin ng isang malaking halaga" habang sinasabi nya ito, ang isang kamay nya ay gumagalaw na at pilit hinahaplos ang aking mga braso pataas sa aking balikat hanggang sa umabot na sa aking mukha. "Hmmm, napakaganda mo naman iha, ang kinis at lambot pa ng iyong kutis, di na naman siguro ako lugi, kaya naman napagpasyahan ko nang ikaw na lang ang gawing kabayaran sa utang ng tatay mo"
Kahit ilang beses na nangyari sakin ang ganito, hindi ko pa din maiwasan ang hindi marumi at mangilabot sa tuwing may gagawa sakin ng ganitong kababuyan.
"Bitawan n-nyo po ak-ko" Habang binibigkas ko ang mga salitang ito ay nag uunahan nang tumulo ang mga luha sa mata ko.
"HAHAHAHAHA wag ka mag alala hija, maeenjoy mo din to"
Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas, ngunit sinipa ko sya sa kanyang kaari-arian. Huhu patawarin nyo po ako sinadya ko po yon.
Sa lakas ng pagkakasipa ko sa kanyang betlog ay napabitiw sya sa pagkakahawak sakin at namilipit sya sa sakit.Hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataon na makarecover sa sakit at agad agad na akong tumakbo papalayo.
"Tangina ka bumalik ka ditong bata ka!"
BINABASA MO ANG
Ready, Get Set, Go
Randomang story na to ay ginawa ko dahil wala lang, amboring kase 😃👈