3

1 0 0
                                    

"Ano pang ginagawa mo? Ipagpatuloy mo na yung nilalabhan mo don" sabi ni mama na nakapagpabalik sakin sa reyalidad.Ngumiti na lang ako ng tipid at tumalikod sa kanila.


Habang naglalaba, pilit bumabagabag sakin kung anong pinag uusapan nila sa loob.Iwinaksi ko na lang ang aking mga iniisip para mas mapabilis ako sa aking gawain.


Ang bawat hampas ng hangin sa aking balat habang nagsasampay ay nagpapakalma sa akin, sariwang sariwa, ang sarap sa pakiramdam.


Napagdesisyunan kong pumunta muna sa dalampasigan para doon tumambay, pampatay lang ng oras.Hindi naman ako pwedeng makigulo sa kanila sa loob ng bahay dahil may bisita si papa,tiyak mapapagalitan lang nila ako don.



Kumuha ako ng bato at binato sa dagat, sa sobrang swerte ay may umahon sakto kung saang banda ko yon tinapon.Boom bukol.


"Aray, napakaswerte ko naman nung naghulog ng bato ang kalangitan, ako yung nabagsakan" rinig kong reklamo nya habang umaahon galing sa pagligo

"Hala sorry po di ko po sinasadya"

"Di ayos e, masakit kaya, kiss muna"

"Sige po mauna na ako" gwapo sana kaso linyahang pakboi e.

"Uy joke lang naman, btw ako nga pala si Zach"

"Hmm, nice to meet you po ako po si Selene"

Inilahad nya ang kanyang kamay na agad ko din namang tinanggap.Lambot naman, sanaol, sana lahat.


"Ngayon lang kita nakita dito, turista ka ba Zach?"

"You can call me that HAHAHAHA bumisita lang kami dito sa probinsya dahil sa lola ko"

"Ah ganon ba?"

Nag usap lang kami ng kung ano ano hanggang sa napagpasyahan ko nang umuwi, baka hinahanap na ako.

"Una na ako Zach"

"Wag muna, bata ka pa"

"Baliw HAHAHAHAHA uuna na ako umuwi hindi mamatay"

"Ah sige, meron ka bang facebook account o instagram account?Para naman makapag usap din tayo minsan"

"Wala e" sayang naman hahaha char

"Ay ganon ba?Sige pahingi na lang ng number mo"

"Pasensya ka na,wala din kasi akong cellphone e"

"Ano ba yan HAHAHAHA sige ayos lang, pag nakita na lang ulit tayo di na kita titigilan baka destiny na yon e" pafall ka wag ganon medyo marupok ako 99.9 %

"Baliw ka talaga, pag ako umasa sayo hahanapin kita sa buong mundo maging destined lang sayo"


It's prank beh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ready, Get Set, GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon