A/N:
Sinong gustong gamitin ang kanilang pangalan para sa storya na to. Don't hesitate to message me.********
5 years ago
I ran fast as I could to find a place where I can shed myself from the incoming rain. The bleachers are far from where I am standing so I decided to stay in a small waiting shed.Physical Education ang klase ko ngayon kaya nandito kami sa field naglalaro ng volleyball. Kakasimula pa nga lang namin gawin ang routines ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Natatanaw ko ngayon ang mga estudyanteng nagtatakbuhan at kanya kanyang hanap ng masisilungan. I'm alone in this place while most of them were in the bleachers. Dala dala ko pa ang bola na gumulong papunta sa direksyon na'to. Kukunin ko lang sana ito ngunit bumuhos na ang napakalakas na ulan.
Napasimangot nalang ako sa isipang hindi ako makakabalik agad sa classroom hanggang hindi tumitila ang ulan dahil wala naman akong dalang payong. Maybe, I should really wait here.
Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni muni, bigla nalang sumulpot ang dalawang tao sa aking harapan. I think they were having a fight base from what I just saw. Pareho silang basa na ng ulan.
The guy was chasing the girl and trying to hold her right hand but the girl keep resisting it. The guy looks miserable and wasted. Sakto namang huminto sila sa harapan ko pa mismo at hinarap ng babae ang lalaki.
"Ano ba Zayc! Ilang beses ko bang paulit ulit sabihin sayo ang totoo?! We're done! Gabrielle is now my man, pananagutan niya naman ako so don't ever bother me again!" kasabay nun ay ang pag walk out niya. Hindi ko masyadong narining ang pinag-uusapan nila dahil sa ingay na nanggagaling sa ulan.
Naiwan namang mag-isa ang lalaki habang tanaw ang babae papalayo. Hindi ko alam kung umiiyak ang lalaki dahil nakatungo sya at sa lakas ba ng ulan sigurado akong humalo na doon ang kanyang mga luha.
Akala ko aalis na dun ang lalaki ngunit nabigla na lamang ako ng lumakad sya papunta dito sa kinasisilungan ko. Nagpanggap nalang ako na parang wala ako narinig. Umusog ako ng kaunti sa may gilid para naman hindi kami masyadong malapit. Wala rin naman akong balak kausapin sya. Diretso lang ang tingin ko aking harapan habang pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan.
"Bakit kayong mga babae hilig manakit ng damdamin namin mga lalaki." biglang sabi niya. Wala naman kami ibang kasama dito kaya nag assume na ako ang sinabihan nun.
"Bakit mo nilalahat? Hindi naman lahat ng babae ay ganyan. May natitira pa dyan na iba na mababait at loyal sa isang relasyon 'no. " wala sa isip kong sabat.
"Katulad sayo?" nang dahil sa kanyang sinabi ay napatingin ako sa kinatatayuan niya.
"Ako?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya. Atsaka wala akong alam tungkol sa isang relasyon dahil kailanman ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend.
Tiningnan niya ako sa aking mga mata.
"Sabi mo diba may iba ba diyan sa tabi na loyal sa isang relasyon. Katulad ka rin ba nila na kayang manloko sa aming mga lalaki?" napaiwas ako ng tingin. Bumalik ako sa pagmamasid sa bawat patak ng ulan.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala naman kasing kasiguraduhan ang mga pangyayari sa hinaharap. Napapansin ko sa karelasyon ng mga kaibigan ko ay hindi maiwasang magkaroon ng pagtatalunan. Third party, selos, kawalan ng oras sa isa't - isa at kung ano pa ang pwedeng pag-awayan. Kahit kasi anong tatag ng isang tao, sa isang relasyon, sisirain at sisirain sila ng tadhana upang makita kung hanggang kailan kaya nila panindigan ang kanilang relasyon.
BINABASA MO ANG
My Paramour
General FictionOn some people, true love isn't their right love. How about for these two people met in a perfect timing, but not meant for falling inlove. Witness how Issa and Zayc, fight for their love amidst the different circumstances.