Agad akong nagtungo sa hospital kung nasaan ang kapatid ko. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kwarto kung asaan siya.
Natigilan ako nang makita ko siya, naka cast ang leeg niya at napakadami niyang pasa, halos maiyak ako sa situasyon ni Daniel
"What happened?" I asked them at agad na nilapitan si Daniel "Oh My God Daniel" napatakip ako sa bibig ko
"OA mo" irap niya sa akin
"Ella what happened? I thought ayos ang usapan niyo?" tanong sa akin ni Papa. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa nangyari.
"I'll find out. Una na po ako." I bow my head down a little tanda ng pagpapaalam.
Tinry kong idial ang number ni Eul habang nagaantay ako ng masasakyan, ni hindi ko alam kung paano pumunta sakanila. Ilang minuto pa pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Khael came into my mind kaya siya nalang ang tinext ko.
To: Khael
Where are you? Can you give me a ride?
Nagantay ako ng ilan pang minuto bago siya nagreply sa akin
From: Khael
Send loc miss
Tinype ko kaagad ang location at isinend yon sakanya. Nagantay pa ako ng mga 20 minutes bago may tumigil at bumusina sa harap kong isang kotse
"Sakay dali!" he said so I immediately get inside his car.
"Salamat ah." kako at nagsuot ng seatbelt
"Saan tayo?"
"Kila Eul."
Nagulat sya sa sinabi ko "Wow, meeting the parents agad?" tumawa siya
Napaiwas ako ng tingin at itinuon ang pansin ko sa bintana "Some sort of"
Nagpasalamat ako kay Khael pagkababa ko ng sasakyan niya. Nagdoor bell agad ako pero walang sumagot. Nakatatlong pindot ako ng door bell bago may isang katulong na nagbukas ng gate
"Sino po sila?"
"Andyan ba si Mr. Huebert?"
"Opo ano-" hindi kona siya pinatapos na magsalita. Sapilitan akong pumasok, hindi nila ako papapasukin kung alam nila ang sadya ko.
"Ma'am bawal po kayo dito!" saad nung katulon at pilit akong hinihila. Tinignan ko siya ng matali at nagtagumpay ako dahil mukhang natakot siya kasi agad din niyang binitawan ang kamay ko
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang nakabukas na pinto tungo sa dining area. Naroon si Eul, ang asawa niya at ang kapatid ni Eul.
Sumakit ang dibdib ko sa nakita ko, masayang masaya silang kumakain kahit alam nilang may tinatapakan silang tao. How can be a man this cruel?
Wala na akong pakeelam kung naandito si Eul. Ang mahala ay ang kapatid ko. May nakita akong bow sa gilid ng isang vase kaya pinulot ko yon at walang sabing itinutok kay Mr. Huebert1 cm above his head. Hindi nila napapansin ang presensya ko dahil sobrang saya nila.
Isang maling galaw nya ay pwedeng sa noo niya tumama ang pana. Pagbilang ko ng tatlo ay binitawan ko iyon at halos mawalan ng kulay si Mr. Huebert nang makita niyang dumaan sa ulo niya ang arrow na binitawan ko
"Ella!" gulat na gulat na sabi ni Eul sa akin
"Paano ka nakapasok dito?!" Mr Huebert furiously yelled
"Paano mo nagagawang kumain ng matiwasay knowing na may sinaktan kang tao!" sigaw ko pabalik sakanya. Maya maya pa ay may isang malamig na bagay akong naramdaman na nakatutok sa ulo ko
YOU ARE READING
One Last Wish
Teen Fiction"The love that is forgotten by his mind will never be forgotten by his heart. Naniniwala ako, maaalala niya ako. " - Rosella Allyson Martinez