"Hoy Wendy! sumama kana samin ni Chichi sige na gala na tayo" Pagpupumilit sakin ni Blaire.
Andito nanaman sila at kinukumbinsi nanaman ako ulit na sumama sa gala nila hmp! Eh alam naman nila na hindi talaga ako sumasama dahil parati naman akong uuwi nang maaga.
"Hindi nga pwede ang daming ko pang gagawin nag-aantay na si Tita Nadia sakin" sagot ko naman.
Napasimangot si Blaire at Chichi dahil sa paulit ulit nalang na nakukuha nilang sagot saakin. Natawa ako dahil ganyan naman talaga ang reaction nila kapag tinatanggihan ko sila hindi naman sa hindi ko sila gustong makasama sadyang wala lang talaga akong oras para gumala.
"Ano bayan lage nalang nagbabantay ng mga bata. Pakasaya ka naman sis bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Tingnan mo nga yang sarili mo ang losyang mo na" walang awat na sabi ni Chichi.
Losyang...
Nagulat si Blaire sa kanyang narinig mula kay Chichi at yun din si Chichi hindi makapaniwala sa kanyang nasabi. Tinapik ni Blaire sa tagiliran si Chichi at akma namang alam na ni Chichi kung bakit.
"I'm sorry Wendy at nasabi ko yun. Sorry talaga" sincere naman na pagkasabi sa akin ni Chichi.
Nung narinig ko ang word na losyang may sakit na ala-ala nanaman na bumalik saakin. Hindi naman talaga kasi ako nagalit dahil lang sa sinabihan ako ni Chichi na losyang na akong tingnan dahil alam ko naman rin yon at aware ako kaya nga ako iniwan ng taong minahal ko ng lubosan. Alam kasi nila Blaire at Chichi ang nangyari sa akin dati gaya nalang sa hiwalayan namin ni Rylle.
"Hindi okay lang yun ano ba naman kayo. Sige sasama ako bukas since holiday naman at nandiyan naman si Natasha para tulungan magbantay si Tita Nadia." Sabi ko sa kanila.
Lumiwanag ang kanilang mga mukha na para bang once in a blue moon lang akong pumayag. Eh totoo din naman. Since holiday naman why should I not pamper myself and take a break diba? Siguro papayag din naman yung mga bata since atat na atat naman talaga sila akong gumala na para nga daw makahanap na ng boyfriend para may katuwang raw ako at maging masaya na din ako ni hindi ko naman kailangan yon kaya ko naman ang sarili ko.
Actually, before the tragedy happened I am not like this and to think na kada oras akong nag-aayos dahil ayaw ko talagang maging haggard tignan pero dahil nga may pinag aabalahan na ako at yun yung mga bata na tinuturing ko naring kapatid at pamilya hindi ko na namamalayan na wala na pala akong oras para sa sarili ko. Ever since Rylle left me I was like living all the painful words he said to me. I'm living the losyang life as what he described to me.
"Sure kana ha wala ng bawian to" masayang wika ni Blaire.
"Alam niyo girls I have a bright idea!" Nakangiting sabi ni Chichi na excited na excited na sabihin na ito.
"Ano yun?" Sagot ko naman sabik na sabik pakinggan ang idea ni Chichi.
" Dahil Wendy is coming and we know that it takes years for her to vibe with us, well then let's make the most out of it! Let's do a makeover challenge! I m-makeover natin si Wendy as in whole body so that makakita na ito ng boyfriend." Sabi ni Chichi habang tina tie niya yung hair ko at nagulat ako doon.
"Nice idea Chichi napakagaling mo talaga. Since overmorrow the new CEO will be announce then it is a great opportunity for Wendy na magpapaganda since siya lang din naman ang walang boyfriend dito." sabi ni Blaire and nagulat kami ni Chichi dahil hindi namin alam tungkol sa new CEO.
"For real?" Sabay pagkasabi namin ni Chichi.
"Wait, Are you guys for real? Hindi niyo alam ang balita? Saan ba kayo kanina at hindi niyo narinig si Sir Richard ha?" Nagtatakang tanong ni Blaire.
YOU ARE READING
If Fate Permits
RomanceWendy Macalintal is 20 years old, a second year college student dreaming to become an Interior Designer but that will remain a dream and she choose Education instead. Rylle Clio Consuelo a self centered person never plans to get a girlfriend because...