Chapter 1 (This is where it all began)

35 2 1
                                    

6 years ago...

"Kuya!"

Sigaw nang aking kapatid na si Nikolai nang makita nya akong bumulagta nalang sa sahig.. Naglalaro kaming dalawa ni Nikolai nang Basketball nang bigla nalang nanikip ang dibdib ko saka natumba..

Mula sa gilid nang aking mata ay nakita kong tumakbo si Nikolai sa kung saan.."Grayson anak!" ang Mommy, Hindi na ako nagulat nang makita ko ang aking mommy at kapatid na dali daling tumakbo papunta saakin "Nikolai call your ate Xiandra and your Daddy Ngayon na!" At wala pa sa kidlat ang bilis nang takbo ni Nikolai papunta sa loob para tumawag,

"G-grayson anak, mommy's here baby mommy's here.."

"M-mommy" isang salita lang yun pero hirap na hirap na akong bigkasin nang maayos

"Nikolai!,T-tawagin mo ang mga kapitbahay bilis anak!" Gumagaral ang boses na sabi ni mommy habang hinahaplos ang aking mukha

I can't move.. Pilit kong binabangon ang katawan ko pero ang tanging magagawa ko nalang sa mga oras na ito ay ramdaman ang sakit na nagmumula sa aking dibdib.. I can't breathe... Halos habulin ko na ang aking hininga habang inaako ako nang mommy kasama ang mga kapitbahay namin....nahihirapan akong igalaw ang aking katawan, nagsimula na akong mahilo kasabay nang paglala nang pananakit nang aking dibdib, And then my vision became blank..

Nagising ako nang nasa hospital bed, mula sa gilid nang aking mata ay nakikita ko ang aking mommy na bakas ang pag-alala sa mukha, kausap ang family doctor namin

"Mrs. Ramirez we're here to tell you the results of our test, A couple of months ago hindi ba't nadiagnosed si Gray nang Pneumonia moderate risk with bronchial asthma?

"Yes po, d-doc Warren" Sabi ni mommy in a nervous tone

Nakita kong bumuntong hininga muna si doc bago nagsalita "Mrs. Ramirez, I'm here to tell you that your son Grayson here has stage 2 lung cancer.." Nakita kong natigilan ang mommy, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni doc, saka niya napahilamos sa mukha ang dalawang kamay habang humahagulgol at umiiling

Tumigil ang paghinga ko kasabay nang panlalabo nang aking mata, hindi makapaniwala sa narinig.. "M-may cancer po ako?" Sabi ko na naging dahilan nang pag lingon nang dalawa kasabay nang paglapit nang mommy at niyakap ako habang humahagulgol padin,

Sa murang edad kong ito hindi ko inaasahan na posibleng mangyare ito, lalo na ang magkacancer ako.. Buong buhay ko ay naging tirahan ko na rin ang Hospitals, Pabalik balik ako dito.. Wala ni isang taong hindi ako nakabalik dito, nakahiga sa hospital bed.. May sakit...tas malalaman ko pa na may cancer  ako..

Lumapit naman si doc saamin saka ule nagsalita "I'm here to deliver the sad news to you Grayson" saka hinawakan nya ako sa balikat, "You see, in the test you had symptoms like, persistent coughing, wheezing, shortage of breath, coughing up bloody phlegm..Nung una ay akala ko TB(Tuberculosis) lang yan, mukhang hinde mo inaalagaan ang sarili mo.. Hindi natin namalayan na mas Malala na pala" saka umayos si doc nang tayo habang nakatingin padin saakin

"It's curable don't worry, we can do chemotherapy treatment for you, but son it will be easier if you will cope with us and help yourself heal" sabi ni doc saka humarap kay mommy,

"I'll let you two talk Mrs Ramirez, I have another patient in another ward"

"T-thank you doc" Tumango lang si doc bilang sagot at saka naglakad na patungong pinto, nang makalabas si doc ay muli na akong nagsalita

"M-mommy" naiiyak kong sabi, takot na takot ako.. Marami pa akong gustong gawin sa buhay.. Ayoko nang ganto.. I want to help my family, i want to experience a normal life, gusto kong maranasang grumaduate.. Hindi magkaroon nang cancer or kung ano mang sakit.. Pero pagod na ako.. Sa loob nang labing apat na taon wala na lang akong ginawa kundi magkasakit at humiga.. Gusto kong maranasan ang mga bagay bagay na nagagawa nang isang normal na tao..

Still YouWhere stories live. Discover now