Nakaupo ako sa living room ngayon tahimik habang naka dekwatro sa sofa habang Pinagmamasdan ang paligid, Ngayon ko lang nakitang Napuno nang ganito karaming tao ang Bahay namin, mag mula sa Loob hanggang sa labas, Hindi kagaya noong mga nakaraang parties namin, Marami din namang tao pero iba ang dami ngayon, tingin ko ay nagsimula na sila dahil napuno nang hiyawan, palakpakan at Tugtugan ang backyard, mukhang lumabas na ang kampo nang kadiliman este lumabas na si Pink panther sa kanyang pugad
Nang magsawa ang puwet kong nakaupo sa sofa ay tumayo nalang ako atsaka nagtungo papunta nang backyard, ganun rin marami pading tao, sa kung saan naman ay nakita ko si Mommy na umiiyak at naka akbay naman sakanya si Daddy 'Ang drama, Nag 18 lang si ate Mommy hindi ito lamay at hindi pa siya patay', sa bandang mga pagkain naman ay nakita ko ang kapatid ko, 'Akala ko ba birthday party ito hindi piggery' Kumakain nanaman siya habang may mga babaeng nag aantay sakanya at pinapanood siya, hindi hamak na may itsura naman ang kapatid ko at kagaya ko din ay habulin dn nang babae ito, pero mas gwapo nga lang ako, wala talaga siyang pakeelam sa mga babaeng nakaabang sakanya habang lumalamon padin siya ano bang klaseng sikmura ang meron ito? Hindi mabusog busog, napailing iling nalang ako saka umalis
Umupo nalang ako sa isang bench seat malayo onte sa ingay sa backyard habang at ganon parin ang ginawa ko tinututok ko yung Lazer sa mata nang mga tao lalo na dun sa mga nag cacater, dahil bored ako! Don't judge me!
Habang gumagawa naman nang kalokohan ay mag lumapit saaking batang babae, kaedad ko lang siguro, may katangkaran rin siya pero mas matangkad nga lang ako, maganda siya matangos ang ilong, kahit pa hindi ganon kaliwanag sa backyard ay masasabi kong mapula ang labi niya dahil wala naman siyang kolorete sa mukha, Nakadagdag pa sa ganda niya ang malaanghel niyang mata at ang mala kremang maputi niyang kutis, Bumagay din sakanya ang off shoulder na color pink na pencil cut na dress at ang kanyang shining shimmering splendid na pink sandals, she looks too perfect kahit masasabi kong bata pa siya 'Gaganda pa toh pag tumanda siya'
"Anong ginagawa mo dito Anak nang abo?" Aniya atsaka tumabi saakin sa bench na inuupuan ko
Naguguluhan naman akong tumingin sakanya, Anak nang abo? Abay saang parte nang pilipinas niya nakuha ang pangalan nayon? Atsaka close ba kami nitong Anghel na toh? Baka siya na ang aking Guardian Angel ehehehe
"Umm excuse me do i know you?" Kunot noong tanong ko sakanya, at natawa naman siya at bahagyang sinuntok pa ako sa balikat 'Hala hinaharot ako'
"Hala si Abo ang tagal lang hindi nakalaro nang bahay bahayan nakalimutan na ang isang magandang nilalang na tulad ko"
Maganda nga mahangin naman
"Teka naguguluhan ako sino kaba? At saka Anong anak nang abo? you're mistaken, Grayson ang pangalan ko"
"Pft alam ko, Alam kong ikaw si Grayson, Anak nang abo ang binansag ko sayo noon pa man, Tinagalog ko lang ang pangalan mo, Nakalimutan mo na talaga ako?"
'Magtatanong paba ako kung alam ko? Maganda nga bobita rin pala toh eh'
"Teka naguguluhan talaga ako, pwede bang sabihin mo nalang ang pangalan mo't hindi yung tanong nang tanong diyan eh sa hindi nga kita kilala"
"Pft wala ka paring pinagbago, Masungit ka padin"
"Ehh sa sino ka nga kase??" Nawawalan nang pasensyang tanong ko
"I'm Batman" Seryoso niyang sabi saka tumawa, 'Aba malakas rin ang sapak nito'
"Maganda nga baliw naman" Bulong ko at napatigil naman siya katatawa
"Ano kamo? Maganda ako? Alam ko yun brad, atsaka buti naman nakuha nang pansin mo ang maganda kong mukha hehehe" aniya habang tumaas taas pa ang isang kilay
YOU ARE READING
Still You
Romantizm"Hindi niya pinaramdam saakin na mahina ako..Ako ang may sakit pero siya ang lumalaban para saakin.. She's like the every air i breathe, sakanya ako kumukuha nang lakas, without her i don't know what I'll be.. she's a keeper." All is fair in love an...