Chapter 01: there is no blood in the body.

179 41 162
                                    

Chapter I

Third Person's Point of View.

Music was blasting through her white ear pods as she was sitting comfortably. Her pink oversized active dry shirt perfectly tucked inside her dark blue school jogging pants, leaving some fabrics on her back. She keeps on singing along to the song she was listening too.

Wala siyang pakialam kung naiisturbo niya ang schoolmates niyang kumakain kagaya niya sa lakas ng volume ng musika niya. Naisin niya mang pumunta sa tahimik na lugar kagaya ng library ngunit bawal naman magtambay doon dahil maliit lang. Wala ring rooftop ang skwelahan hindi kagaya sa mga pelikula o kdrama na kinaaadikan niya sa lahat.

Inabot niya ang buko shake saka sumipsip sa straw nito, ramdam niya ang lamig at tamis ng inumin na medyo sumakit pa ang ngipin niya. Sunod ay kinagat niya ang burger at nginuya-nguya na may malungkot na mukha. Naalala niyang mag-iipon pala siya sa buong taon para mabili niya ang album ng iniidolo niyang grupo. Hindi niya mapigilan ang sarili nang makitang nagbebenta ulit ng buko shake ang cafeteria ng school nila.

Inis niyang tinanggal ang earphones niya saka inilapag sa mesa ngunit hindi niya naman itinigil ang pinapanuod na music video.

"What's with the long face?"

Napatingala siya nang maulinagan ang pamilyar na boses ng kaibigan. Kahit nakatalikod pa siya ay alam niyang boses ito ng kaklase niyang wirdo. Sa paraan pa lang ng walang kabuhay-buhay nitong boses ay nakatatak na sa isipan niyang si Sandra ito.

"Saan ka galing?" tanong niya matapos maitulon ang kinakaing burger.

"Sa C.R nga nagpaalam na ako sa'yo kanina." Inabot ni Sandra ang inorder niyang siomai rice at kutsara saka iyon nilantakan.

Dahil abala si Alice sa ginagawa ay nakalimutan niya ito.

"Hindi ko 'yan ginalaw FYI lang, Sandara," banggit nito sa kinakain ng dalaga nang mapansin niyang parang patay-gutom nitong kinain ang binili.

Nakasanayan na ni Alice na tawaging Sandara ang kaibigan dahil malapit lamang ang pangalan nito ng iniidolo niyang kpop singer na si Sandara Park.

Uminom muna ng tubig si Sandra bago sinagot ang kaklase. "Hindi naman—"

"Ey, alam ko na ang sasabihin mo, bakla. Wala ka talagang sense of communicating with your friends." Binigyan siya ng nanghihinayang na mukha ng kaklase na siyang pag-iba ng awra niya.

Inilapag niya ang pagkain saka ang kutsara ng dahan-dahan saka pinagmasdan nang maigi ang kausap. Gusto niya sanang sabihin na "skills of communicating" ang ibig niyang sabihin pero ayaw niyang marinig ang mga kantyaw nito na, "edi ikaw na po ang matalino" at "wow, nahiya english ko sa'yo."

Nakalugay ang hanggang bewang na maalon-along buhok ni Alice. Mapupula ang labi niya na halatang nilagyan ng liptint at ganoon din ang kaniyang mapupulang pisngi. Malobo ang kaniyang pisngi na siyang pinagdidiskitahan ng ilang mga kaibigan niya sa ibang seksyon.

Rinig na rinig ni Sandra ang musika na nanggagaling sa earpods nito, nagtaka kaagad siya dahil narinig niya na iyon kahapon at noong nakaraang araw.

"Hindi ba pinanuod mo na iyan kahapon?" Pagtutukoy ni Sandra sa cellphone nitong palabas ang music video ng iniidolong banda ni Ali.

Kumunot ang noo ni Sandra at hindi maiwasan ang sariling mapasilip sa cellphone ni Alice kaya sinundan naman ito ng tingin ng kaibigan at napatawa na lamang siya. Naisip niyang hindi naman siya nito maiintindihan pero sinagot niya pa rin ito.

"Hindi ako magsasawa kakanuod sa music video nila at isa pa malapit na sila sa 12M views, isang push na lang!" Muli ay ngumiti si Alice nang makita ang iniidolo niyang kumanta at makipagtitigan sa camero na animo'y nakatitig sa kaniya.

She's An Aspiring Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon