Synopsis

10 2 0
                                    

I am pretty in my own ways.

No one could judge me by my looks especially with my skill.

Boxing

Anong masama sa boxing?

Babaeng nagboboxing, may problema ba kayo?

'Yan! Yan tayo eh! Mga judgemental na mga tao. Porket babae ako ay hindi ko na magagawa ang mga panlalaking gawain? Bakit ba? Ba't ang big deal ng pagiging Boxingero ko? Keshyo babae raw ako at hindi 'yun kaaya-aya, keshyo hindi raw bagay sa akin, keshyo mga gawaing bahay lang ang dapat kong matutunan, keshyo.. bla bla bla.. daming talak! Eh, kung upakan ko kaya kayo!

I am a pure woman at hindi ako baluktot. I never liked girls. I like boys but boys don't like me. Porket Boxer ako, bawal na akong magmahal? Aba! Sumusobra na kayo ah!

Minsan naman din ako nagmahal pero hindi ata talaga kami sa isa't isa. Naging masaya kami kahit sa konting oras na 'yun. Nagmahalan kami. Pero may katapusan lang din naman pala ang lahat. Hindi lahat ng bagay may forever, walang perpektong pagmamahalan.

Psshhht! Stop the drama! I'll give some glimpse nalang about me.

Sabi ng Mama ko maganda raw ako kaso sabi naman ng mga kaibigan ko panget raw ako. Alin ba dun ang mas paniniwalaan ko? Ang Mama kong nagpalaki sa akin kaya hindi nila masabi-sabi na panget ako kasi dinala niya ako ng walong buwan sa sinasapunan? Oo, walong buwan lang, naging excited lang naman kasi akong lumabas eh. O ang mga kaibigan kong mga basher at mga pranka?

Sige sundin nalang natin 'yung sa palagay ng nakakarami. Isa-isahin muna natin ang mga katangian na meron ako. Aba, syempre dapat maganda kasi ako 'yun eh.


Cute

'Yan ang sabi nila kasi raw maliit raw ako. Hoi! Hindi lang ako basta-basta na maliit 'no! Kaya ko silang upakan.

Cute

Kasi daw maiksi buhok ko katulad raw ni Sanchai ng Chinese Adaptation ng Meteor Garden.

Cute

Kasi raw natatakpan ang mukha ko ng bangs ko. So ano? Kung wala akong bangs hindi ako cute? Sige tanggap ko 'yun kasi hindi ako cute kasi Maganda ako.

Cute

Chubby raw ako. Anong chubby? Sige nga! Bakit ako nagboboxing kung mataba ako? Eh di sana sumali nalang ako ng wrestling! Grabe sila kung manghusga! 'Di ba pwedeng matambok lang ang pisngi ko?

Cute

Wala lang daw. Basta cute lang ako.


Huh? Ba't puro cute nalang? Di ba pwedeng Maganda? Astig? Pretty? Byotipol? Seksi?

Sabi nga nila para raw akong si Sanchai ng Chinese Adaptation ng Meteor Garden. May pagkakahawig din naman ang aming kwento pero iba sa akin, lumalaban ako ng physical.

Kamukha ko nga si Sanchai pero hindi naman kami parehas ng kapalaran. Kung marami siyang problema kay Dao Ming Su ay mas lalong marami ang aking problema, doblehin mo pa ang kay Sanchai.

Wala akong Dao Ming Su!

Ako na talaga ang nagbaba ng ego. Pakihanapan naman ako ng Dao Ming Su kahit 'yang mga nasa tabi-tabi lang oh. Hindi naman ako maarte, minsan lang pero hindi everytime.

Tulungan niyo nga akong maghanap kay Dao Ming Su ng Buhay ko para naman ay maisigaw ko rin yung... Dao Ming su ! Dao Ming Su! Tapos magyayakapan!

Bakit din naman kasi natuturn off ang mga lalaki sa mga gaya kong boxingero? Kung lumalaban kami para sa titulo ay mas kaya namin kayong ipaglaban. Charot Charot! Harot Harot!

Pero seryoso na talaga ito, walang halong biro.

Pakihanapan naman ako ng Jowa! Kahit konting favor lang naman.

Love at Fist Fight [On-Going]Where stories live. Discover now