Simula

2 1 0
                                    

Mga suntok ang naririnig ko. Suntok galing sa mga kasamahan ko sa guild. May mga nags-stretching sa isang malaking yoga mat sa lapag. May mga babaeng nagt-training sa malaking punching bag. May nags-sparring sa gitna ng ring.


Iba't ibang daing ang naririnig ko mula sa mga tao na nasa loob ng malaking kwarto na ito. Dumadaing dahil nasasaktan sila. Daing dahil napapagod sila. At daing dahil lumalaban pa sila.


Walang makakatumbas sa mga tao na narito dahil lahat sila ay pursigido upang makamit ang kanilang mga titulo. Hindi sila sumusuko sa laban kahit magkasakitan sila. Sakit. Ipinanganak sila na ang sakit ay normal na mararanasan mo. Sakit ang nagbigay lakas sa kanila upang lumaban.


Nabuhay sila na sakit na ang kanilang nakasanayan at ang kanilang akibat. Suntok rin ang tanging kakayanan nila. Sa suntok nila inilalabas ang problema nila tila ba itong stress reliever kasi kaya mong i-express ang nararamdaman mo sa pagsuntok.


Ang training area ay naging isang munting tahanan na rin nila. Tahanan kung saan nabuo ang pagkakaibigan. Tahanan kung saan tatanggapin ka nila. Tahanan kung saan kaya mong ipaglaban ang sarili mo.


Ang sahig na inaapakan ko ngayon ay ang nagpalaki sa akin. Dito ko minulat ang aking mata para umpisahan ang laban. Ang lugar kung saan ako ngayon, ang nagpamulat sa akin sa katotohanang kahit babae ka ay may kakayanan ka rin tulad ng lalaki.


Hindi dapat minamaliit ang mga babaeng tulad namin kasi hindi namin kaya ang mga nagagawa ng mga lalaki. Sa halip ay bigyan niyo ng pansin ang aming pagsusumikap upang makamit ang ninanais.


"Tama na emo, girl. Mag-gym ka na dun." Binatukan ako ng kaibigan kong hangal.


"Hindi naman ako nage-emo ah!"


"Hindi raw? Eh kanina ka pa nga naglilibot ng tingin dito tapos nagpaikot-ikot ka pa." Nakapamewang niyang sabi.


"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko with matching taas kilay.


"Hoi! Nakalimutan mo atang magkasabay tayong nagpunta dito? At nasa likod mo lang ako habang pinagmamasdan mo ang lugar." Binatukan niya ulit ako.


"Ikaw ah! Mahilig kang mambatok!" Singhal ko sa kanya habang hinimas-himas ang parteng binatukan niya.


Nagsimula kaming maglakad sa isang kuwarto. Binuksan namin ang ilaw ng room at tumambad sa amin ang mga babaeng nagliligpit ng gamit sa kanya-kanyang locker.


Locker room na magkakatapat ang nasa loob ng kwartong pinasukan namin ng kaibigan ko. Red ang kulay ng locker doors. May isang mahabang upuan ang nasa gitna at may mga babaeng umuupo dun.


Pinuntahan namin ang aming lockers na nasa dulo ng room. Habang naglalakad kami papunta dun ay binabati namin ang aming mga nakakasalubong na mga Pro sa boxing.


Hindi pa rin nawawala sa akin ang paghanga sa kanila tuwing nakikita ko sila. Tila ba silang butiun na tinitingala. Ang ninanais nilang makamit ay siyang nais ko rin.


Nang makarating kami sa tapat ng aming magkakapit-bahay na locker ay agad namin 'yun binuksan. Inilagay ko muna ang aking sports bag sa bench sa gitna tsaka ko hinubad ang aking jacket. Inilagay ko ang aking jacket sa loob ng locker.


Hinubo ko rin ang flipflops na ginamit ko tsaka inilagay 'yun sa baba ng locker kung saan nakalagay ang mga sapatos ko. Kinuha ko rin ang aking Nike Air Max na sapatos. Umupo ako sa bench tsaka ko isinuot ang aking sapatos.


Tumayo ako at humarap sa salamin na nasa tapat ng bench at 'yun ba ang dead end ng room. Tinignan ko ang aking sarili habang nakasuot ng Sports Bra at tsaka leggings.


Magulo ang aking bangs dahil na rin sa aking paglalakad kanina patungo sa training area namin ngayon. Naka half pony tail ang aking hanggang leeg na buhok. Tumama rin ang sikat ng araw sa aking mukha at tumambad ang brownish kong kulay na mata at maliit na ilong isama na rin ang maliit kong mapupulang labi. Mahaba rin ang aking pilik-mata at ang kilay ko ay hindi na kailangan pang i-drawing.


Hindi ako mataba kaya walang excess ang pagkakafit ng sports wear sa aking katawan. Ni wala nga akong hinaharap at hindi kagaanong kalaki ang aking pwet. Saktong katawan lang kumbaga pero napagkakamalan akong mataba kasi sa matatambok kong pisngi. Dahil na rin sa aking mga maluluwang na mga damit ngunit ngayon ay nakasuot ako ng fit na sports wear.


"Samahan mo na ako sa gym area." Tinapik ng kaibigan ko ang aking balikat.


Siya nga pala si Lena, ang aking matalik na kaibigan. Siya na rin ang kasama ko nung nagsisimula pa lang ako sa boxing. Siya ang room mate ko na rin. Best buddy ang tawag sa amin tsaka parang magkakapatid na rin ang turing namin sa isa't isa.


"Sige, una ka na at susunod lang ako maya-maya." Tumango siya tsaka pumanhik papalabas ng locker room.


Nag-ayos muna ako ng gamit tsaka ko napagpasyahan na lumabas. May iilang babaeng may tuwalya ang nadadaan ko.


Pagkalabas ko ng locker room ay pinagmasdan ko muli ang aking paligid. Hindi ito pangkaraniwang lugar tulad sa mga babaeng tulad ko ngunit ito ang pangarap ko simula nung bata pa ako. Pinangarap kong maging isang Boxingero na magkakamit ng maraming titulo sa larangan ng pagboboxing.


Ang minsa'y pinapangarap ko ay ngayon ko na'y nakikita at unti-unting nakakamit.


Ako si Shealyn Farah Valderama. Isa akong Boxer at masaya ako bilang isang Boxer na kailanman ay hindi ninanais ng ilang kababaihan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love at Fist Fight [On-Going]Where stories live. Discover now