Chapter 5

25 7 12
                                    

Chapter 5 : Strange Night

"San mo nadampot 'to Ma'am?" Nagtatakang tanong ni Ajo habang nakaturo sa lalaking nasa kama ko.

"Doon sa ano, sa may street papuntang 7/11" I replied.

Ajo is a 16 year old boy na madalas naming hingian ng favor kapag may kailangan kami sa condo, he's working here as a room boy.

He's also living in a small unit dito sa Condominium, though he's way too young to work here, pinagbigyan siyang mag work dito kasi naging amo na rin ng parents niya ang may-ari ng building na 'to.

He needs to work his ass off to provide his family's need and also para mapagpatuloy niya 'yung studies niya.

"Lasing po?" He asked while his eyes are widely open.

Lumapit siya sa kung saan ako nakatayo at para bang nagtago sa likod ko.

"Oo, kawawa kasi eh, mag-isa. Wala akong choice kaya ayan". Nakatayo kami sa harap ng kama ko at pareho naming tinititigan 'yung kanina pa walang malay na lalaking lasing na nakasalubong ko kanina.

Mabuti nalang at matagumpay kaming nakapuslit sa guard kanina, lahat ng staffs dito sa building kasabwat ko na, 'yung guard nalang talaga na 'yun 'yung hindi ko mapaamo. Sobrang lalim ng loyalty kay Shy jusko.

"Tingnan mo nga kung humihinga" utos ko kay Ajo.

"Ma'am lasing lang naman po, di naman po 'yan mamamatay" Ajo leaned down to see the drunk man's face.

"Ano, mukhang delikado ba? Mukha bang masamang tao?" pabulong kong tanong kay Ajo.

Ajo narrowed his eyes na para bang minamasdan niya nang maigi 'yung mukha nung lalaki.

"Sabihin mo agad, ilalaglag ko 'yan sa terrace" pagbabanta ko.

"Hindi naman ata ma'am" he looked at me "kasi po tingnan niyo, ang amo ng mukha"

Sabay naming sinilip 'yung mukha nang lalaki.

He's wearing a glasses.

His eyelashes are dark and long.

He has a clean cut, nakababa 'yung buhok niya kaya umabot ang haba nito hanggang sa kilay niya.

He has a tall but not too pointy nose.

His lips are pretty curved too.

"Sure ka?" tanong ko kay Ajo.

"Opo Ma'am, tsaka tingnan niyo po hanep, branded po 'yung sapatos tsaka 'yung relo na suot niya" Ajo replied.

"Kahit na, malay natin ano, m-malay natin killer pala 'yan?" takot kong tanong kay Ajo.

"Ma'am kung killer 'yan, sa tingin mo aabot kapa nang buhay dito? Kanina kapa po sana nasa langit kung mamamatay tao 'to" Ajo with his 100% confidence.

"Tsaka Ma'am kung killer 'yan, nakasuot dapat 'yan ng black na jacket, black na shirt, black na shades, black na cap, black na mask tapos may black pa na gloves"

I looked at him with wondering eyes

"Huh?"

"Ganoon po kasi 'yung napapanood kong killer sa mga Kdrama hehe"

Napakamot ako nang madiin sa ulo ko. "Pambihira"

"Mukhang malalim na ang tulog niya Ma'am, lakas siguro ng tama niyan"

"Ssshh lower down your voice, mamaya may makarinig sa'yo diyan baka pasukin tayo rito" I warned Ajo and I put my index finger in front of my lips.

Poems from my dead Romeo (A STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon