Chapter 3

72 41 10
                                    

Chapter 3: New Beginnings

It's the second day of summer. Maaga akong nagising, although late na'ko nakatulog due to my insomnia. Medyo nasasanay na'ko sa pangit kong body clock na kahit gaano man ka-late 'yung tulog ko sa gabi, sobrang aga ko paring nagigising sa umaga.

I took my meds before I headed to my favorite place in my condo.

My terrace.

I sat down on the wooden swing na madalas kong tambayan dito. I planned to watch T.V kaso nawala ako sa mood. It's still weekend, medyo pangit ang mga palabas.

Hindi ako mahilig sa kape kaya now, I'm drinking a cup of matcha tea na binili ko sa isang Japanese store na malapit sa bookstore nila Shy.

This is my ideal type of summer. Napaka simple yet napaka saya sa pakiramdam.

I closed my eyes and I could feel the gentle heat of the sun's rays touching my cheeks and nose. There's nothing more relaxing than sitting in a very comfortable seat, holding a cup of good drink and---

*Phone rings

Napadilat ako bigla nang marinig kong mag-ring 'yung phone ko. At dahil sa ayaw kong masira ang napaka gandang moment na 'to, I didn't answer the call.

Pumukit ako ulit.

*Phone rings

*Phone rings

I opened my right eye to end the call immediately. Please, not now.

*Phone rings
*Phone rings
*Phone rings

Napapikit ako nang madiin dala ng inis. Seriously?
Kahit hindi ko tingnan kung sino 'yung tumatawag. Naiinis na'ko agad, kilalang-kilala ko kung sino ang pinaka magaling manira ng moment na tulad nito.

"Huy Belle ang aga mo!" Shy with her loud morning voice again, as usual.

"Ibababa ko na 'tong phone, make sure na masabi mo na 'yung kailangan mo within five seconds. I'm dead serious Shyra" kung hindi ko siya bibilangan alam kong aabutin ng ilang oras 'tong call dahil sa kadaldalan niya.

"One" I started counting.

"Huy teka, wait ano kasi" Halatang nagmamadali na siyang magsalita. Dapat lang, ayokong nasasayang 'yung oras ko sa mga ganitong kalokohan nitong intsik na 'to.

"Two" I continued counting.

"Teka lang ano kasi 'yung sa kahapon diba"

"Three" Nakapikit pa rin ako habang nagbibilang, I don't have enough energy to talk to her right now. Gusto ko lang maging payapa, kaso imposible ata 'yun kasi mayroon akong Shy, pambihira.

"Wait potakte naman kasing bilang 'yan ambilis amp"

"Four"

"It's about the workshop, please think about it, it would really help--"

"Five. Done. Don't you dare calling me again, I'll block you"

"Join the workshop and---"

*Call ended

I let go a deep sigh after the call.
Wala na. Nasira na ang ikalawang araw ng summer ko.

Ipinatong ko ang paa ko sa wooden swing at niyakap ko ang mga tuhod ko.

It's the workshop thing again.

Buong araw kong pinag-isipan ang tungkol don. And until now, hindi ko alam kung anong gagawin ko, should I join or not? It's so depressing.

Poems from my dead Romeo (A STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon