Roxy's POV
"Best! Bilisan mo naman jan baka maiwan tayo ng bus!" Grabeng ingay talaga nito ni Best. It's like may kasama ka laging speaker.
I'm fixing my things na dahil ngayong umaga ang uwi namin. Ihahatid kami ng bus hanggang school.
"Nanjan na!" I shouted. Isinukbit ko na ang mga gamit ko at sabay kami ni Best na lumabas ng kwarto.
"Kapag tayo hindi magkatabi sa bus Mishka Roxy sinasabi ko sayo ha. Tutupiin kita sa walo tapos ididikit kita sa noo ko." Pananakot ni Best sakin habang naglalakad kami pababa ng hagdan. I chuckled sabay hampas sa likod niya.
"O.A. mo bu-" My world suddenly stops when I saw Morris. "Bu-bruha ka Julienne ha-ha-ha" Mygosh I'm freakin stuttering! Nakasandal si Morris sa pader and parang He's waiting for someone. Sino naman kaya? Could it be..
Sinimulan kong halukayin sa bag ko yung magic salamin, Wala lang gusto ko lang manalamin no hindi ako magreretouch—
"Bakit ba ang tagal mo?" Morris said. At mukang naiinip na siya. Nagsimulang kumabog yung dibdib ko... Kasi.. hindi naman siya sa amin nakatingin..
"What? Ang bilis bilis ko nga lang nag CR! Let's go na nga hon, Ang init agad ng ulo mo. Miss me much? Oh—" Ouch. Si Tania pala yung hinihintay niya. Nagulat pa si Tania nung nakita niya kaming pababa ng hagdan. Magsasalita pa sana siya kaso hinila na siya ni Morris paalis.
And me? Nakatulala lang ako. Para kasing may nakatusok sa dibdib ko eh. Masakit.
"Hoy Best ano ayos ka lang?"
"Ang.. Ang bigat Best.." Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Parang hindi na nga ako makahinga. Nagulat na lang ako nang biglang may nag abot ng panyo sa akin, sabay kuha ng mga bags na bitbit ko.
"You don't have to cry, I can carry these bags for you Mishka kung nabibigatan ka na." Si Prince.. Nakangiti siya sa akin ng sobrang tamis, pagkatapos ay nag peace sign pa.
Napangiti na rin tuloy ako. Silly him, If only he knew what I really meant behind those words.
Halos kumpleto na yung mga classmates ko pagdating namin sa bus. And mukang akala yata talaga ni Prince sa mga bags ako nabibigatan kaya bitbit nya pati shoulder bag ko. Kaya naman hindi na ako umangal nung umupo siya sa tabi ko. Si Best naman ay sa likuran ko na umupo, katabi si Yuki. I just gave her my most apologetic look. And I laughed when she rolled her eyes in return.
Nang masiguro ni Ma'am Marlin na kumpleto kami, Nagsimula na kaming bumyahe.
Minutes have passed at nagsimula na nga ang inaasahan kong gera sa likuran ko.
"Aww Yuki may paru-paro oh! Nanjan na yata sundo mo hahahaha."
"Asa ka naman, Sundo mo yan kita mong kulay black."
"Ano naman connection ko sa color black aber?"
"Sus. Black yung paru-paro, tapos Black din yung kili-kili mo, Oh edi match kayo. Kaya ikaw ang sinusundo niyan hindi ako."
"ANONG SABI MO—anong sabi mong gago ka?! Hindi maitim ang kili-kili ko ah! Baka ikaw, dahil black yung itlog mo!"
"Wala kang ebidensya Celine,"
"Bat ikaw ba meron?!"
Pati talaga sa paru-paro nagtatalo sila?! Grabe. Magpapa misa talaga ako kapag nagkaroon ng ‘tahimik’ moment ang dalawang ito. Hmp. I think matutulog na lang ako kaysa makinig sa pagtatalo ng dalawang ito.
Ang hirap pa lang matulog sa umaandar na bus my God. Kanina pa ako hume-head bang dito sa bintana pero kasi inaantok talaga ako. Huhu.
"Here, Sleep on my shoulders." Bulong ni Prince, Napansin niya siguro ang paulit ulit kong pag-untog sa bintana. Parang gusto kong ma-inlove sa pagka-husky ng boses niya. Wait, what did I just say? Talandi ka Roxy.