Prologue

26 1 0
                                    

Makalipas ang ilang taon...

"Hoy! Ano? Di ka pa ba kakain? Masyado ka namang nalulunod diyan sa kai-isip."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa bunganga nitong kasama ko.

"Tsss! Ba't di mo ko sagipin kung nalulunod ako.tsk! Alam mo? I'm sure alam mo na, na sobrang ingay mo. Kakarindi!"

"Woii! Ganyan talaga yan. Para namang bago ng bago eh. Ikaw na nga lang inaalala din diyan eh! Alam ko naman kasing walang magpa-paalala sayong kumain ka, aalagaan mo sarili mo, chuchu chu chu.... Wala ka kasing jowa."

"Edi ikaw na! Palibhasa kasi...Tsss! Eto na nga kakain na. Sinama pa yung lovelife ko eh."

"Bilisan mo boii! Kaya ka iniiwanan kasi ang kupad mo."

"Siraulo! Anlayo braderr!" sabi ko sabay bato ng upos na hawak ko.

Natatawa na lang ako na ewan dito sa kaibigan ko. Ang bunganga parang di nag-aral sa magandang unibersidad eh. Tsk! Engineer pa yan wah!

Pumasok na ako sa loob at sinara ang sliding door dito sa balcony. Bago ako tuluyang tumalikod, muli kong pinagmasdan ang mga bituin. Ang ganda kaso iba ang epekto sakin.

Hayyyss! Masakit parin pala kahit ilang taon na yung lumipas. Ang hirap kalimutan nung taong yun. Yung kahit anong gawin ko...kahit anong pilit ko na kalimutan siya...isang bagay lang na konektado sa kanya, ma-aalala ko na naman lahat.

We used to be happy pero bakit nagka-ganito? It's almost perfect pero wala eh, iniwan din ako. Iniwan nga ba talaga ako? O nakahanap na ng kapalit ko? Arrggghhh!! Halos sabunutan ko na naman ang sarili ko dahil sa frustration. Letche! Bakit ba di kita makalimutan?

Papunta na ako sa dining area nang mapadaan ako sa sala. Bukas ang tv at bigla na lang akong natulala. Si-siguro nga m-may k-kapalit na ako...

"So, kamusta naman ang relationship niyong dalawa?" Tanong ng host sa isang talk show.

"We are so happy po. Nakakatuwa nga kasi as the time goes by, kilala na namin ng mas malalim ang isa't isa," sagot nung isang guest.

"Wow! And so, what's next? When are we going to hear a wedding bells? We are all excited for the both of you."

"Hahahaha! We're both fine to each other naman so, just wait and bleed. Hahahaha!" Kumindat pa yung bwisit na guest.

Naramdaman ko na naman yung sakit na patuloy kong iniinda hanggang ngayon. Halos maluha ako dahil sa napanood ko. Mukhang tama nga ako na may ipinalit na sakin. Tumingala ako para pigilan ang luhang malapit ng tumulo. Ayoko ng umiyak. Sawang sawa na ako. Hayyss!

Nagulat na lang ako ng mamatay ang TV. Nasa nasa harap ko na si Sean, hawak ang remote sa isang kamay at nakapameywang. Nanlilisik ang mata na nakatingin sa TV. Nang tumingin siya sa sakin, nakita ko ang awa sa mga mata niya.

Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga na lang. "Bakit mo pinatay? Bastos ka talaga!" Kunwari nagagalit ako dahil sa pagpatay niya sa TV.

"Sorry naman! Di ko naman kasi alam na masokista ka pala. Oh sige eto na, bubuksan ko na."

Akma niyang bubuksan yung TV ng sinamaan ko siya ng tingin. Pilosopo talaga. " Wag na! Pangit ng palabas,"sabi ko. Nilagpasan ko siya at naupo na sa mesa pagdating ko sa dining area. Ang sarap ng ulam kaso parang nawalan ako ng gana dahil sa napanood ko. Punyetang yan!

"Pangit palabas o pangit pinalit sayo? Ayt! Pinalit nga ba o..?"

Nakatalikod na siya sakin kaya di ko makita kung natatawa siya o ano. Binato ko sa kanya yung kutsara na nadampot ko. Boom sapul!

"Aray ko! Tarant*do ka wah!" Galit siyang tumingin sakin at inakmaan akong papaluin ng sandok.

"Bunganga mo, pasmado!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Tahimik kaming kumain dalawa. Wala ni isa samin ang nagbukas ng tungkol sa kahit ano lalo na sa napanood namin kanina. Eto ang isa sa gusto ko sa kaibigan ko na to eh, marunong rumespeto. Alam naman niya kasi pag gusto kong pag-usapan ang mga bagay bagay.

"Oy! Matutulog na ako wah! Wag mong tangkaing tumalon diyan. Sayang madudumihan ng dugo mo yung kalsada sa baba. Hahahaha!" Tatawa tawa ang siraulo habang tumatakbo papunta sa kwarto niya. May sapak na naman. Paano kaya yan napagtitiisan ng jowa niya? Hahahaha!

Hindi pa ko inaantok kaya lumabas muna ako ulit sa balcony. Nagsindi ako ng sigarilyo at tumingala sa langit. Ang ganda ganda talaga ng mga bituin. Kumikinang na para bang ang saya saya nila. I used to be like that before. They say when you're happy and inlove, your eyes are shining like the stars. Kaso yung mga mata ko ngayon nabulag yata... Nawala yung kinang, napalitan ng lungkot.

Hindi mawala sa isip ko yung napanood ko kanina. Palagi na lang niya kong ginugulo. Buti pa siya, nakamove-on na. Sana ganun lang din kadali para sakin ang kalimutan siya. Sana, sana hindi ko na lang siya nakilala. Ayoko ng sakit na dulot ng nakaraan namin sa akin. May iba na siya. Dapat masaya na din ako. Dapat hindi na ganito.

Binuga ko ang usok at tinapon na ang sigarilyo. Nagkaroon ako ng bisyo simula ng maghiwalay kami. I tried it dahil akala ko malilipat ang atensyon ko dito pero nagkamali ako. Palagi na lang akong nagkakamali.

'We're both fine to each other...'

'Just wait and bleed...'

Tsss!

Siraulo! Pag ako nakahanap din, ipapa-tabloid ko pa. Yung tipong headlines sa lahat ng news. Hinintay mo lang yata talagang maghiwalay tayo para maging malaya ka na. Tsk! Walang kwentang pangako. Sinungaling!

"O 'kay sarap sa ilalim ng kalawakan

Kapag kapiling kapiling tumitig sa kawalan

Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

Nating dalawa, nating dalawa~"

Mabilis akong napalingon sa kabilang balcony. Doon sa kabilang unit. May taong nakaupo sa upuan habang may hawak na gitara at nakatingin sa mg bituin. Pamilyar na pamilyar ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Titig na titig ako sa kanya. May kung ano na naman akong nararamdaman sa puso ko. I can't be wrong.

Kulang na ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya. Papalit palit ang kantang kinakanta at tinutugtog niya. Ngunit ang huling awitin ang napatulala sakin.

"Before I let you go

I want to say I love you

I hope that you're listenin'

Cause'it's true, baby

You'll be forever in my heart

And I know that no one else will do~"

Sa huling linya ay napatingin na din siya sakin. Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko. Umiiyak din siya. Sobrang sakit. Eto na ba? Eto na talaga yung dulo? Wala na ba? Nililinaw na niya talaga ng tuluyan. Siguro nga totoo yung sinabi niya kanina. May bago na.

Parehas naming pinutol ang titigan namin. Tumingala ako at hinayaang tumulo ang aking luha. Namangha pa ako ng may makita akong falling star. Wow! What a beautiful disaster for me.

Pero hindi ko pinalampas ang pagkakataon. I close my eyes and make a wish.

'One last chance please?'

I opened my eyes and look up again. Magagandang bituin, aking hiling inyong tuparin. Isa pang pagkakataon ang ibigay sa pag-iibigan namin.

Muli ay tinignan ko siya. Sana hindi pa huli ang lahat. I just wish we can rewrite the stars and be back to each other again. I just wish you'll be the one I was meant to find. If ever we can make it again, I will never ever let you go.

I love you so much, always.

Comeback to me again, please?

Written In The Stars ||on-going||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon