WHERE IS...?
"Hoy, Annang! Ano? May college ka na?"
Nasa oval na kami at naglalakad palabas dahil uwian na. Kasama ko si Caseana a.k.a. Sean or Bentong. She's my bestfriend.
"Wala pa, magpapatayo pa lang," inosente kong sabi kunwari hindi natatawa. For sure it'll take a few seconds bago niya ma-gets yung sinabi ko. Hahahaha!
"Ah, okay. Teka-- siraulo ka talaga! Sarap mo talagang kausap kahit kailan," she said and then, she rolled her eyes at me. Inis na yan woh!
"Aray ko! Bakit mo ko binatukan?"
Ako naman ang naiinis ngayon. Letche! Binatukan ba naman ako. Sakit non ah.
"Kwits lang! Anyway, saan ka nga mag-aaral? Alam kong sa eskwelahan, siraulo ka, totokshitin mo na naman ako. So, sabihin mo kung saang school," maldita niyang sabi. Natawa naman ako.
"Hahahaha! Siyempre sa school-- oh, teka, di pa ako tapos eh! Wag mo kong pagtatawanan wah? Eto na, sa UP Diliman ko gusto," I said. Gagang to, babatukan na naman ako. Akala niya siguro magaan kamay niya.
Nilingon ko siya matapos kong sabihin na gusto kong mag-aral sa UP. Sabi ko wag akong pagtawanan eh. Tignan mo to... Nakatakip ang kamay sa bibig.
"Sabi ko wag mo kong pagtawanan eh!"
I glare at her when I noticed that she is grinning like there's something fishy about what I've said. Ano naman kaya iniisip neto?
"Woi! Alam mo para kang timang diyan," sabi ko. Siniko ko siya sa tagiliran para lang pabalikin siya sa katinuan. Nababaliw na naman to.
"Ehem! Ehem! Ikaw ba eh, gusto talagang mag-aral sa UP? Sure ka? Sure ka?" She asked with arms crossed over her chest. She raised her eyebrow to me. Nanliliit pa ang mga mata na parang may masama akong ginawa.
"Sira ka ba? Malamang,Oo! Kahit sino naman pinangarap makapasok sa UP. It is my fantasy eversince I was a kid," I said. I look up in the sky while raising my hand trying to reach it. Ang taas ng pangarap ko.
"Well, ibahin mo ko. I never dreamed UP because I know na hindi ako bagay dun," she said then she looked away. Tss! I know she dream of it. Ayaw niya lang sabihin.
"Alam mo, ang nega mo! Bakit ba ganyan mindset mo? Ako nga hindi matalino pero susubukan diba? There's nothing wrong in trying," I said. We continued walking in the oval.
"Sus! Wari pa to! Eh baka naman ibang pangarap susundan mo dun?" She asked while wiggling her eyebrows.
"Woy! Anong sinasabi mo diyan? Ewan ko sa'yo! Pangarap ko maging flight attendant that's why I will take BS Tourism sa UP. Libre naman mag-aral dun kaya oks na oks yun," I said. I can't help but to smile.
"Weh? Eh baka naman si Daniel ang susundan mo dun?" Tawa pa siya ng tawa habang sinasabi yun. Napaseryoso ang mukha ko. Nakakapikon kausap tong bwiset na to.
"Oh! Speaking of -- Hi,Dan!"
Umakyat yata ang dugo ko papunta sa pisngi. Namula ako na parang kamatis. Napatigil pa ko sa paglalakad.Kingina! Narinig ko namang tumawa si Bentong.
Arghhhhh!!!
Leche talaga tong si Caseana. Porket alam niyang crush ko si Dan, ginaganito ako. Makakaganti din ako sayong leche ka.
Ganito kasi yan... Si Dan, Sean at Ako ay magkakaibigan eversince we were just elementary. Gwapo si Dan, sobra! Madaming nagkakagusto sa kanya at obvious naman na kasali ako dun. Matangos ang ilong niya, may malalim na mga mata, makapal na kilay at pilikmata, mapupulang labi, moreno at matangkad.See? Sinong hindi mai-inlove sa kanya? Mabait pa at matalino. May sense of humor pero medyo....babaero. Hehehehe!
BINABASA MO ANG
Written In The Stars ||on-going||
RomanceLife is very different in the province than the city. So, it's a big adjustment for Adrianna Mendoza to live in Metro Manila. But, she chose to be a strong independent woman who gamble everything to reach her dreams and study in her dream school. Sh...