Chapter 1

11 0 0
                                    

Chapter 1

~The City of Manila, Philippines~

~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~

Present...

Kasalukuyang naghihintay si Ace ng magsusundo sa kanya sa terminal ng Cubao dahil sumakay siya ng golden bee bus from Pampanga. Patungo siya sa bahay ng kanyang kapatid na si Sunny. Lima silang magkakapatid. Si Ace ang bunso at nag-iisang lalaki sa magkakapatid. Well, lalaki naman talaga siya ngunit hindi niya rin napipigilang ma-attract sa kapwa lalaki, ngunit mas nangingibabaw parin kanyang pagkagusto sa kababaihan.

Siya si Ace Re Vere, 17 years old and mag 18 years old sa July 20, 20XX, one month from now. Siya ay matipuno dahil sa madalas na pag ehersisyo, may konting tattoo sa katawan, moreno, may tangkad na 5'7 at valedictorian noong elementary at high school. Ang sabi nga sa kanya ay maswerte ang babaeng pakakasalan niya dahil bukod sa gwapo ay matalino pa. Siya ang pinaka matalino sa kanilang magka-kapatid. Dito na din siya sa manila mag-aaral ng Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology.

Meanwhile, habang naghihintay siya na nakaupo sa waiting area sa terminal ay panay pa cute sa kanya ng baklang nasa harapan niya. Medyo may katandaan na ito at tinititigan siya ng may pagnanasa. Napapatingin din ang mga babaeng maiiksi lang ang kasuotan at nasisilipan na sila dahil duon.

Hindi niya naman ito pinapansin at bagkus, patingin-tingin lang siya sa relos, cellphone at paligid.

*Text message received*

Naramdaman niyang nag vibrate ang kanyang cellphone at dali-dali niya itong kinuha sa kanyang bulsa, medyo may kasikipan ang kanyang pantalon Kaya tumayo muna siya at hinatak pataas ang kanyang cellphone sa kaliwang bulsa niya.

"S-sh*t, laki" napatingin siya sa napasinghap sa harapan at kitang-kita dito ang panlalaki ng mata nito na halatang halata na ang pagnanasa.

Saglit kumunot ang noo niya at tinignan ang tinititigan nito, napadako ang tingin niya sa kanyang pagkalalaki at nakita niyang nakabukol ang kanyang alaga at kahit tulog pa ito ay medyo mapapansin dahil hapit ang kanyang pantalon.

Napabuntong-hininga nalang siya sa baklang napasinghap at umupo narin siya.

From: Ate Sunny

Bunso, nanjan na daw ang kuya Paulo mo. Mag-iingat kayo pauwi ahh 😊😘

Sa wakas, after 1hour ay makakaalis na din siya sa terminal dahil gusto niya na talagang magpahinga.

May napansin siyang umupo na lalaki sa likod niya at hindi niya mapigilang humanga sa lalaking-lalaki ang dating nito. Gwapo rin ito sa suot na sando at short na red. Maraming napapatingin dito dahil malakas ang sex appeal ng lalaking dumating.

"Ano bang araw ngayon at sinu-swerte naman ako, urgh" narinig niyang bulong ng baklang nasa harap niya na kanina pa nagpapa-pansin. Pabalik-balik ang tingin nito sa likod at sa kanya.

"Yung isa dadbod, Yung isa young fafa, sarap naman talaga" sinamaan niya ito ng tingin dahil medyo naiinis na siya at kanina pa ito nagpaparinig.

Minsan ay lumilingon din siya dahil baka makita niya ang kanyang bayaw na si kuya Paulo at syempre, para masilayan ang kagwapuhan at Kamachohan ng lalaki sa likod. Pero, nakatingin din ito sa kanya kapag napapatingin siya dito.

'May gusto din kaya ito sakin? Parang impossible naman, halatang straight ito eh. Pero sabagay, ako din naman ay hindi mo a-akalaing hindi straight" gusto sana niyang ngitian ang lalaking nasa likod niya ngunit kinakabahan siya at baka mali ang hinala niya.

He sighed of himself. Kung anu-anong kalokohan ang naiisip niya.

Muli siyang nag tingin tingin sa paligid niya at napadako muli ang tingin niya sa lalaking gwapo sa likod niya na nakatingin din ng diretso sa mata niya. Nagkatitigan sila dahil iniisip niya na baka Isa itong kalaban kaya sinamaan niya ito ng tingin. Napakunot noo naman ang lalaki. Umupo na ulit siya ng maayos sa kanyang upuan.

Nag text na lamang siya sa kanyang ate Sunny na kung nasaan na ba si Kuya Paulo niya.

From: Ate Sunny

Nakaupo na daw sa terminal ang kuya Paulo mo. Naka sando daw siya at red short. Hanapin mo nalang para Makita mo siya.

Nanlaki ang mata niya. Shit! Yung pinagnasaan niyang lalaki sa likod ang kuya Paulo niya?!

'Ang swerte naman pala ni ate Sunny, eh bakit niya pa... Hayyyy ang dami ko talagang aayusin'

Medyo huminga muna siya ng malalim upang kausapin na ang kuya Paulo niya.

"E-excuse me, p-pede ko ba makuha number mo? Souvenir lang sana hehe. Ang gwapo mo kasi" nagulat siya at napatingin sa baklang nasa harap niya kanina na bigla siyang kinalabit. Nakangiti ito sa kanya.

"No. I'm a private person. Sorry" pag hinging paumahin na lamang niya dahil hindi rin birong lakas ng loob ang ginamit nito para lang kausapin siya.

Tumingin na rin siya ulit sa likod niya at diretso sa mata ng lalaking gwapo, si Kuya Paulo.

Naka-tingin din ulit ito sa kanya at nakataas ang kilay, sabay ngisi "Ako kasi ang trip niya, di ba bata?" Nagulat naman si Ace sa sinabi ng bayaw niya, gayun din ang baklang lamapit sa kanya kanina. Gulat din itong napatingin sa kanya.

Medyo napaubo naman siya "Ikaw po ba si kuya Paulo? Asawa ni ate Sunny?" Pagtatanong ni Ace at ang lalaki naman ang nagulat.

Napatayo ito bigla at sabing "Ikaw si Ace?" Tumango naman siya dahil sa tinuran nito. Pero hindi parin niya nakalimutan ang sinabi nito kanina "At hindi kita type dahil asawa ka ng kapatid ko" at sumeryoso naman ang mukha niya.

"Nako, pasensya kana bunso, hindi ko naman sinasadya ang sinabi ko. Ang laki mo na pala, hindi kita nakilala, haha. Ang mabuti pa ay sumakay na tayo sa kotse ko para makapagpahinga kana din" Ngumiti na lamang ito sa kanya at kinuha ang malaking bag niya. Binuhat naman niya ang kanyang personal na bag at mga pasalubong ng nanay niya para sa kanila.

Napatingin naman ulit siya sa baklang malapit sa kanya, kumindat at ngumisi siya ng nakakalibog.

" My souvenir to you" pagkatapos niyang ituran sa baklang muntik na mangisay sa ginawa niya.

Napahalaklak naman ang kanyang bayaw.

Pagkadating naman nila sa kotse ng kanyang kuya Paulo ay agad niyang naamoy ang lalaking pabango nito.

"Ang laki mo na pala talaga, Ace. Dati kinakarga lang kita noong bata kapa, ngayon, binatang binata kana. At gwapo pa! Kamukhang kamukha mo ang itay Ramon" ngumiti ito nang pagkatamis-tamis sa kanya.

Hindi niya mapigilang mapangiti ngunit mabilis lang dahil balik siya sa dating nakasimangot niyang mukha "Salamat, Kuya Paulo" nawalan na siya ng ganang pagnasaan ang lalaking ito dahil asawa ito ng kapatid niya. Pumikit na lamang siya dahil narin siguro sa pagod at dahil ayaw na lamang niya makipag-usap.

Napatingin naman si Paulo sa gwapong binata na nasa tabi niya. Pansin niyang mukhang pagod ito kaya hindi na lamang niya dinaldal. Gusto niyang sapukin ang sarili dahil sa tinuran niya kanina sa waiting area ng terminal. Hindi niya akalain na ito na pala ang nag-iisa niyang brother in law. Hindi rin kasi niya mapigilang titigan ang binatang lalaki dahil iniisip niya kung saan niya ba ito nakita at parang familiar ito sa kanya, at napapansin niyang patingin-tingin ito sa kanya kahit pa nasa likod na siya. Kaya naisip niyang baka bakla ito. Kaya nung lumingon ulit ito sa kanya ay nagtaka siya dahil sinamaan siya nito ng tingin. Sa palagay niya ay, sa isip niya'y modus ito.

Pero mukhang mali pala ang hinala niya 'Kaya siguro ito ngumiti sa akin dahil namukhaan niya akong si Paulo, Ang brother in law niya. Wew, tamang hinala naman ako'

Napatingin siya sa binata. "Mukhang nakatulog na si bunso, ahh" ngumiti na lamang siya at binaybay ang traffic sa daan.

~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~~

FYI

Ace is in the picture of this chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia's AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon