CHAPTER3 (Miq's POV)
-
Pagdating namin sa Classroom, nandun na yung teacher namin na si Mrs. Mendoza. Tuloy-tuloy lang kami papunta sa seats namin nang bigla syang nag salita.
"Wait Girls! You Guys won't say something?" Sabi nya sabay tinignan kami isa-isa ng nakataas ang kilay.
Nagkatingin naman kami na parang nag uusap sa mga tingin na yon at sabay sabay tumaas ang isang kilay at tumingin sakanya sabay sabing,
"NONE!"
Syempre except for Trix. Mabait yun e! :D
After nun, We proceed to our seats. Dada lang sya ng dada na parang walang nangyari. Kaya ayoko pag first day eh. Walang katuturan yung mga sinasabi ng teachers XD
"Ang tagal naman magbell. Nakakabored na eh" Nisse
"Oo nga eh. Pauli-ulit nalang yung sinasabi." Misch.
Maya-maya........... *KRRIIIIIIIIIIIING* (Bell na! :D)
"YES! Tapos na din ang isa sa napakaBoring na araw! Time to go home. Ciaoooo!" Niq
"Wait! Tambay muna tayo. Mukhang marami kayong dapat ikwento." Sabi ni Mich.
"Oo nga naman kamiss din kayo eh! Lambet!" Trix
At dahil may point din naman suka, Gumora na kami papuntang Barkada room. Dun kami usually nag pupunta for our leisure time. SUPERFRIENDS lang ang allowed dito.
As usual, habang nag lalakad ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil maganda at sikat kami. San ka pa?
Nung nasa Barkada room na kami...
"Kwento na, Bilis!" Sabi ko sakanila.
"Pwede wait?! Atat lang? Pahinga lang kami saglit ah. Nakakahiya naman sayo eh!" Sagot sakin ni Les.
"Tumigil na nga kayo nag aaway nanaman kayo eh!" Saway samin ni Mich
"Hay naku. Hindi na kayo nasanay sa dalawang yan? Laging always nalang nag-aaway." Mj
"Oo nga! Kelan ba kayo titigil?" Tanong naman ni Misch.
"Kung kelan mawawala ang kaChildish-an ng Miq na yan!" Sagot ni Les na mahahalata mong Asar padin.
"Ako nanaman? Ang bait-bait ko na nga sayo eh XD" Sabi ko naman sakanya.
"Nag punta ba tayo dito para mag-away lang kayo?" Malumanay na tanong ni Trix
"Sorry!" Sabay naming sabi ni Les.
"Oh, Ano na?" Nisse
"AH! I KNOW NA!" Sabi bigla ni Niq. Nakakagulat yan! Bigla nalang mag sasalita. TAHIMIK pa daw sya ng lagay na yan ha.
"Dumali ka nanaman ha. Bigla ka nalang nagsasalita dyan!" MJ.
"Sorry. Hahahaha. Let's go Malling on Saturday! What do you think guys?" Sabi nya na parang excite na excite pa.
"Saan?" Tanong ni Les.
"*Insert name ng Mall here*" Niq
"Great Idea! So, Saturday ha!" Sabi namin ng Sabay-sabay.
After nun, Umuwi na din kami.
-SATURDAY-
Saturday na nga ngayon. And as Niq said, Sa Mall ang destination namin ngayon.
"Oy Kain na tayo! Gutom na ko!" Sabi ni Mj habang nag lalakad kami.
"Saan?!" Tanong naman ni Nisse.
Nagkatinginan muna kaming lahat sabay sabing, "KFC!"
Hahaha. KFC kasi talaga ang Favorite namin kainan. Lalo na si Les kasi Favorite nya yung Brownies dun.
Maya-maya rin, Nakarating na kami sa KFC. Kami naman nila Les, Misch, Nisse and Mj ang umorder. Last time kasi yung iba. Palitan lang. Haha. Alam na din naman kasi namin kung ano yung gusto nila. SUPERFRIENDS eh!
Pagkatapos namin kumain, Nanood kami ng Sine. Una pinagtatalunan pa namin kung anong palabas papanoorin. Pero nauwi din naman sa Paranormal Activity 4. Fanatic kami ng ghosts dun e. Chos, I mean pinapanuod talaga kasi namin yun. Sinubaybayan ba :)
Puno ng tilian yung buong Cinema dahil nga sa takot. So, What do you expect sa Superfriends? Edi ganun din. Halo halo na nga yung Tilian e. Mapa babae man o lalaki. Tomboy man o bakla. Haha.
So yun. Tapos na yung palabas. Deretso Restroom na kami Syempre. Nakakaihi kaya yung palabas XD