Chapter 5

274 16 2
                                    

#FD05 || Bethylia Monteamor

Lumipas ang taon ng paaralan na ganoon ang palaging eksena. Panay ang lapit ni Pedro habang panay naman ang iwas namin sa kanya ng mga kaibigan ko. I don't know what to do anymore. Hindi siya nakikinig sa kahit anong sinasabi ko at ang gusto lang palagi ang gustong pinapakinggan. Nakakapagod siyang palayuin, nakakapagod ding intindihin.

Kahit sa trabaho ay nakasunod siya sa akin at kung nagkakaroon ako ng libreng oras ay pinapaupo niya ako sa puwesto niya. Maayos ang mga ganoong tagpo na nangyayari sa pagitan namin. Hindi nga lang maiiwasan ang pagiging marahas niya sa iilang araw.

Sa mga lumipas na araw noong bakasyong iyon ay hinayaan ko na lang siya sa gustong gawin. Bukod sa ayokong masaktan ay ayoko ring madamay ang pamilya't mga kaibigan ko kung nagkataong magalit siya sa akin.

"Are you going home now?" He asked after seeing me going out of the staff room. Kitang-kita ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo niya at sa leeg. Pinipigilan ko ang ngumiwi dahil ayokong maisip niyang pinandidirihan ko siya. Hindi sa ganoon, kung may panyo naman siya ay bakit hindi niya gamitin? Sayang naman ang perang ginagastos nila para doon kung hindi naman magagamit. Sana ay idinagdag nalang nila sa pera ng bayan.

I nodded hesistantly while looking around but him. Hindi na rito si Blanche sa pinagtatrabahuhan ko nagtatrabaho dahil mayroon siyang kaibigan na nakilala noong nakaraang buwan lang na nag-alok ng trabahong higit na mas malaki ang sahod kaysa dito.

"Then, let's go?" I can't help but stiffened at that. Maayos naman siyang kasama, sa katunayan ay may nakikita naman akong kahit kaunting kabutihan sa kanya, hindi niya lang madalas ipakita dahil mas nauuna siyang husgahan ng tao kaysa sa kilalanin. Katulad ng ginagawa ko sa kanya ngayon. Iniisip ko kung paano makakatakas sa kanya dahil natatakot akong makita niya ang pamilya ko at sila ang pagdiskitahan kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

That's what I am avoiding from the very start. It's okay if it's just me, but if anyone around me and close to me will get dragged in too, hindi na bale. Titiisin ko na lang ang mga pangungulit at pamimilit na ginagawa niya.

"Sige, sandali lang. Puwedeng magbanyo muna?" I asked while acting like I really needed to pee. I think I can't handle being with him even for a second now. Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin.

"Kagagaling mo lang doon, hindi ba?" He asked with his forehead creased. I grimaced and hold my lower abdomen while exxageratingly crossing my feet for a more convincing act.

"Naiihi na talaga ako, Pedro. Maupo ka na lang muna ulit doon, kahit sandali lang." I groaned but still made myself act naturally.

Nanliliit ang matang tinitigan niya ako bago nagbuntong hininga at umupo sa itinuro kong upuan.

Lihim akong napangisi at agad siyang tinalikuran para matakasan ng hindi niya nalalaman.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na sa bahay at kaagad na sinalubong ng nakababatang kapatid na may ipinapakitang papel na alam kong ginawa niya kanina para magpalipas ng oras.

It's a sketch of a girl who look like me. My younger sister is good at illustrating and drawing. Malikhain ang kanyang mga daliri at kamay. Unang kita palang sa mga iginuguhit niya ay talagang mamangha ka na dahil sa edad niyang trese, mukha ng pang-propesyonal ang mga iginuhit niya.

Malinis at pantay ang bawat linya at talagang detalyado ang bawat parte ng mukhang nakaguhit.

"Ang ganda naman nito, Lucy. Para sa akin ba 'to?" I asked joyfully.

She nodded enthusiastically and dragged me towards the kitchen where our mother is peacefully cooking while even humming a song.

"Masarap ang ulam na niluto ni Mama ngayon, Ate!" She exclaimed while jumping in happiness.

Camp Alaya Series #3: Flawed Desires (Completed)Where stories live. Discover now