#FD03 || Bethylia Monteamor
After he left, I sighed and face-palmed. Sa dinami-dami ng pupwedeng sabihin iyon pa ang napili ko. I should've stopped myself from bursting out. I should know my place, hindi na kami katulad noon na pupwedeng sabihin kung anong gustuhin.
I was just really jealous. Kung siya noon ay nagagalit kung may nalapit sa aking lalaki, ganoon din ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi niya ako masisisi.
And who even told him to go here? Palagi na lang siyang napasok sa opisina ko ng hindi nagsasabi o kahit kumakatok man lang. Yes, given that he somehow owned this place because he's the Mayor but how about my own privacy, right?
Hindi ko na napansin kung ilang oras na ang lumipas na nakatulala lang ako sa kawalan. My frustration is still here. I don't want what he's doing. I'm trying my best to stop myself from hoping here. Noong unang araw ko pa lang dito ay napagpasyahan ko ng itigil 'yon dahil sa ganitong ugali niya. But him doing this caring thing can easily swayed me. Kung iniisip niyang pahirapan ako, hindi niya na kailangan pang galingan o mag-abala pa dahil sa simpleng pagtrato niya lang sa akin ng katulad ng kanina ay nahihirapan na ako.
I snapped out from my thoughts when I heard a knock on my door. I'm sure it's not Aaren because I am just thinking a while ago how he always barged in here without a notice.
I lazily walk towards the door and opened it. Otomatikong tumaas ang isa kong kilay nang makita kung sino ang nasa harapan ng pintuan ng opisina ko.
What is she doing here? Kung may nakalimutan man siyang gamit ay dapat doon siya sa opisina ng Mayor nagpunta at hindi dito.
"What do you need, Miss?" I asked confusedly. I know that's too straightforward to asked but I can't think of any question that will suit her visiting here.
Walang salitang naglakad siya papasok ng opisina ko kahit hindi ko pa siya pinapaunlakan. Isn't good manners are thought to rich people like them? Nagkapera rin naman ako pero hindi ganyan ang naging ugali ko.
I have enough money to brag but I didn't even think about doing it not like them who's always making other people intimidated just because they're rich, they have money.
Nakakalungkot na pera na ang ginagawang sukatan ngayon para makatanggap ng respeto. Nakakalungkot na pera na ang basehan ngayon para makita kung gaano ka katagumpay sa buhay.
Prenteng umupo siya sa upuang kinauupuan ko kanina. Walang ibang mauupuan dito kung hindi iyon. Imbis na suminghal ay binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti. Nakakahiya naman kasi sa kanya, baka umiyak pa kapag natarayan. Magsumbong pa sa Pedro'ng iyon at pagtulungan ako.
"What are you still doing here?" She asked that made my brow furrowed. Anong sinasabi niya? Hindi lang pala siya walang respeto, may sira din ang utak.
Sekretarya ako dito at alam kong halata naman iyon dahil pinagsilbihan ko sila kanina. Akala ko matatalino ang mga mayayaman, 'yong iba lang pala. Pinagkaitan siya.
I know I am thinking harsh now but I can't stop myself. Not just because I am jealous at her but because I saw how she's lacks respect in her body. Siya na nga ang may ganang pumasok dito ay siya pa ang may ganang magtaray at baka mamaya'y mag-inarte pa.
"What do you mean, Miss?" I asked calmly. I don't know her, but I saw her a while ago so I think that's enough for me to know her? Ewan ko, naguguluhan na ako. Parehas sila ni Aaren, bwisit ngayong araw.
"Matagal na kayong hiwalay ni Aaren hindi ba?" She asked with an arched brow.
I stopped myself from grimacing and raising a brow. Kung nasa labas kami ng building na 'to ay siguradong natarayan ko na siya. Nasa trabaho ako kaya kailangan kong maging propesyonal. Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko na mababaw, baka siya pinalaking ganoon.
YOU ARE READING
Camp Alaya Series #3: Flawed Desires (Completed)
RomanceCAMP ALAYA SERIES #3 She hates his physical appearance, She hates his personality, She hates his attitude, Inshort she hates everything about him. But the hate that's on her heart turns out to be the opposite of it. Date Started : July 11, 2020 Da...