PROLOGUE

11 1 0
                                    

"We're done." Marahan akong napatingin sa lalaking nasa tabi ko nang sabihin nito ang mga salitang 'yon. Pagak akong napatawa ng wala akong makita na kahit anong reaks'yon sa kaniyang mga mata,blangko lang itong nakatingin sa malawak na karagatang nasa harapan lang namin. Umaasa akong sasabihin nitong siya ay nagbibiro lang,pero bigo ako ng wala nang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig niya.

"Stop it Kai! Alam kong nagbibiro ka lang kaya itigil mo na 'to dahil hindi ako natutuwa sa mga salitang lumalabas d'yan sa bibig mo." Alam kong nagbibiro lang siya kaya sinundan ko ito ng magkakasunod na tawa ngunit agad din akong napatigil ng seryoso ako nitong tiningnan sa mga mata.

"I'm done playing with you,simula pa lang laro na ang lahat ng ito." Malamig nitong sambit na ikinatulala ko sa kaniya.

"K--kai..." Halos mautal na ako sa pagbanggit ng pangalan niya,hindi maprocess ng utak ko ang mga salitang sinabi niya. Nakatulala lang ako sa kan'ya dahil wala akong mahanap na salitang dapat sabihin.

"Hahaha Are you that stupid para paniwalaan lahat ng sinabi ko sa'yo no'n? Alam mong may iba akong mahal,sa tingin mo basta basta ko nalang siyang ipagpapalit sa isang tulad mong---"Sinadya niyang bitinin ang dapat na sasabihin tsaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa pero naroon pa rin ang blangkong mukha niya. "Easy to get, a bitch--" hindi ko na siya pinatapos at agad na lumipad ang palad ko sa kaliwang pisngi niya.Oo,sinampal ko siya kasabay ng sunod sunod na pag-agos ng mga luha ko.

"Stop!stop!STOPPP!"Pinaghahampas ko siya sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko,hindi ko matanggap na ganitong matatapos ang pinagsamahan namin.Hindi ko matanggap na ganito ang tingin niya sa'kin matapos ang lahat ng nangyari sa'ming dalawa.

"Hindi 'yan totoo,mahal mo 'ko diba? Nasaan na 'yong mga pangakong binitawan mo? Nasaan na 'yong pagmamahal na sinasabi mo? Nasaan na 'yong lahat?!" Tila ako nawalan ng lakas at nanghihinang umupo sa buhanginan.Masyadong maliwanag ang buwan at kitang kita ko kung paano niya akong tingnan na parang walang pakealam.

"I just used you Heaven,ginamit kita para pagselosin siya at para ipakita sa mga kaibigan kong kayang kaya kitang makuha sa isang iglap lang and I succeed."Tila wala itong pake sa mga sinasabi at mas lalo lang nitong dinurog ang puso ko.

"Kailangan ko pa bang lumuhod? Magmakaawa para lang huwag mo akong iwan? Kailangan kita Kai! Lalong lalo na ngayon,pls!Don't leave me dahil hindi ko kakayanin kapag nawala ka din sa'kin."napaluhod ako sa harap niya at kinuha ang mga kamay niya tsaka ako napahagulgol ng iyak.Handa akong magmakaawa para lang huwag niya akong iwan. Desperada mang tingnan pero wala na akong pakealam.

"You're nothing compared to her Heaven,tumayo ka na d'yan dahil hindi na magbabago ang isip ko."Balewala nitong sabi tsaka marahas na tinanggal ang mga kamay niyang hawak ko.

"Matalino ka naman,maganda at masarap sa kam-----"Sa ikalawang pagkakataon ay muling dumapo ang palad ko sa pisngi niya.Hindi ko na kaya ang lahat ng pang iinsulto niya,masyado na akong nanlililit ngayon sa sarili ko dahil sa mga pinanggagagawa niya ngayon sa'kin.


"Napakawalang hiya mo, minahal lang naman kita pero bakit ganito pa ang isinusukli mo? B--bakit-- bak--it--"hindi ko na magawang tapusin pa ang mga dapat ko pang sasabihin dahil muli na naman akong  nanghina at napaluhod.



"Tanggapin mo nalang na hindi tayo ang para sa isa't isa at kahit kailan ay hinding hindi kita magugustuhan"'yon lang ang huling narinig ko bago ko namalayang naglalakad na ito palayo sa'kin.Masyado akong nanghihina at tanging likod na niya lang ang nakikita ko,tulala lang ako habang pinagmamasdan siyang papalayo sa'kin.




Ilang minuto na akong nakaupo at halos wala na akong makita dahil sa panlalabo ng aking mga mata,nasisuguro kong magang maga na ito dahil kanina pa ako umiiyak at hindi ko man lang mapigil ang aking luha sa pag -agos.Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa dinaanan ng lalaking naging dahilan ng pagluha ko.Wala na,tapos na ba?Totoo bang nangyari lahat ng iyon?Nanaginip lang ba ako? Dahil kung Oo,pakiusap gisingin niyo na ako.Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.


It's our anniversarry,Yes.Today is our anniversarry,2nd anniversarry to be exact. But what happened? Napahawak ako sa mainipis kong tiyan.Napakabilis ng pangyayari,ngayon ko sana balak isorpresa siya tungkol sa ipinagbubuntis ko,pero nabigo ako dahil ako pa ang nasorpresa.Muli akong napahagulgol sa mga palad ko at hindi ko na namalayang dumidilim na pala ang kalangitan tila dinadamayan ako sa aking nararamdaman.Ang kaninang kalinawagan ng buwan ay siya nang sinakop ng madilim na kalangitan.

Lumipas nga ang ilang sandali at tuluyan ng umulan.Hiinayaan ko lang ang sarili kong mabasa ng ulan.Hindi ko dama ang lamig dahil tila nabalot ang buong katawan ko ng kalungkotan.Nakakaawa na siguro akong tingnan pero hindi ako natitinag sa aking kinauupuan.


"Baby,magpakatatag ka lang d'yan ha? Gagawin ni mommy ang lahat para sa'yo,bubuhayin kita ng mag isa kahit walang amang gagabay sa'ting dalawa."Muli na naman tumulo ang aking luha,tila hindi na napagod ang mga mata ko sa pag iyak.

Hindi ko na namalayan ang oras na inilagi ko sa lugar na ito.Masyado akong nilukob ng sakit para mapansin pa ang mga nangyayari sa paligid ko.Ito ang lugar na laging pinupuntahan ko sa tuwing nalulungkot ako at ito ang naging saksi ko sa lahat ng mga luhang nailabas ko.Dito sa tabing dagat na kung saan ay makikita mo ang kagandahan ng liwanag ng buwan.







Huhu~naeexcite ako magsulat,thanks for reading.
Godbless💞

Under the Moonlight (On-going)Where stories live. Discover now