CHAPTER 5

3 0 0
                                    


Halos mag init ang magkabilang pisngi ko sa pagtama ng mga mata namin.Shit!shit!shit! Bakit ba ako naiilang? Sandali nga,aba! Ako yata si Heaven Leigh Frost,Ang pinakamagandang anak nina Harold Frost at Venice Frost.Bakit naman ako maiilang sa isang Kaius Alvejo lang? Hmp!hindi 'yon pwede.

"Oh,bakit ka namumula?"puna sa'kin ni Chace ngunit hindi ko siya sinagot.Bagkus ay sinenyasan ko nalang siyang ipagpatuloy ang pagkwento.Masyado akong interesado sa kanilang apat at hindi ko alam kung bakit.

"Iyon namang lalaking palangiti ay si Clayne Alcantara,masayahin at palabiro...siya lang ang malapit sa mga estudyante dito dahil siya lang naman ang hindi nakakatakot sa kanilang apat eh,well..except diyan kay Klyx na playboy.Si Clayne naman ang Drummer ng banda nila."patuloy na paliwanag ni Chace sa'kin na tinanguhan ko nalang.

"And that one is Klyx Montefalco,the guitarist.Ang playboy sa grupo nila."turo ni Chace sa nakangising kumakaway kaway sa mga estudyante dito sa loob ng Cafeteria.

"And the last one of course,the bassist.Hiro Santiago..ang seryoso kasunod ni Kaius,mabait at napakagentleman.Siya lang ang masasabi kong matino sa kanilang apat."Binalingan muli ako nito ng tingin matapos sabihin 'yon.Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil baka kung ano pa ang isipin nito.

"May nagustuhan ka na ba sa kanila?"Nakapangakumbaba at naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa'kin.

"Are you crazy? Paano ako magkakagusto diyan eh hindi ko nga sila kilala."Naiirita kong sagot sa kan'ya.Aaminin kong mga gwapo at hot itong mga lalaking 'to pero hindi ko sila type duh!Overy dead gorgeous body.

Nagulat ako ng hampasin nito ang table namin at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.Sabihin niyo nga,nakipagkaibigan ba ako sa baliw?

"Goshh!Saang planeta ka ba galing at hindi ka manlang nakakaramdam ng paghanga kahit na konti,bulag ka ba?!"Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito.Halos magtalsikan pa ang laway niya sa mukha ko.Yakk!Agad ko itong pinunasan ng tissue at tsaka tumingin ng masama sa kan'ya.

"Ahh hehe,sorry..nagulat lang ako" nakangiwi nitong sabi bago ako inabutan ng alchohol na mula sa bag niya.Tinanggap ko naman agad ito at naglagay sa mga palad ko.aba..mabuti na ang sigurado at baka may virus pa 'tong babaeng to.Magsasalita na sana ako ng dumating na ang dalawang umorder.

"We're back,pakabusog kayo..Minsan lang ako manlibre kaya ubusin niyo"Nakangiting inilapag ni Haisley ang pagkain sa table bago umupo sa tabi ko gano'n din ang ginawa ni Zav na siya namang umupo sa harap ko.

Hindi ko ito pinansin dahil nakatutok ang mga magagandang mata ko sa pagkain na inorder nila.Natatakam na ako at halatang masasarap din ito.Alam kong mahal ang pagkain dito kaya lulubusin ko na 'to dahil libre.

"Oh,wag masyadong titigan Heaven at baka hindi pa natin nakakain ay tunaw na yan HAHAHA chill"Napatingin nalang ako kay Zav ng sabihin niya yon.Bakit kasi ang tagal pa naming kumain.Ano bang hinihintay nila? Pasko?!

"I'm hungry,baka pwede na kumain?"sarkastiko kong tanong sa kanila pero sabay sabay lang silang natawa.Wala sa plano ko ang maging clown paglaki,bakit ba sila tawa ng tawa?

"O sige na,kumain na tayo at baka matunaw na 'to sa kakatitig ni Heaven."Dinig ko pang sabi ni Haisley na sinang ayunan naman ng dalawa.Hindi nalang ako sumagot at nagsimula ng lantakan ang mga pagkain sa harap ko.Shit! Ang sarap,bakit walang ganito sa sating School ko?

"Oh dahan dahan at baka mabulunan."Natatawang sabi ni Chace na sa akin ang paningin.

"Siyanga pala Heaven,May susuotin ka na ba?" Napatigil ako ng pagkain at nagtatakang tumingin kay Zav. Anong Susuotin naman ang sinasabi nito?

Under the Moonlight (On-going)Where stories live. Discover now