CHAPTER 1

5 1 0
                                    

I am sitting right now at the bar counter,sipping my margarita while examining the whole area.Napairap nalang ako sa mga nasasaksihan ko sa paligid at muling tinungga ang inuming hawak hawak ko.


"One more please."Utos ko sa bartender ng hindi tumitingin dito.Napakaingay at gulo ng lugar na 'to.Everybody's doing their own business,kahit saan ka lumingon makikita mo ang mga hindi kanais nais na tanawin.Making out everywhere? Dancing like there's no tomorrow and stripping in front of the crowds?Ano pa nga bang aasahan mo sa isang bar duhh!.Sanay na akong makakita ng mga ganitong eksena.Kilala na ako sa lugar na ito dahil madalas akong nalalagi dito,kami ng mga kaibigan ko.Ito ang lugar na tanging takbuhan ko sa tuwing namomoroblema ako.Tsh!Muli na naman akong napairap ng maalala ang dahilan kung bakit ako naparito.


*FLASHBACK*

"LUMAYAS KA NA SA PAMAMAHAY NA 'TO!WALA KA NG IBANG GINAWANG TAMA KUNDI ANG IPAHIYA ANG PAMILYANG ITO!"Halos mabingi ako sigaw ng tatay kong galit galit na nakatingin ngayon sa'kin,katabi nito ang ina kong pumipigil sa pagwawala nito.Samantalang heto ako at nakaupo habang pinagmamasdan ang ama kong anumang oras ay handa na akong pagbuhatan ng kamay.



"Harold!tama na,ano ba?Tumigil ka na at makakasama iyan sa kalusugan mo" may halong pag aalala ang paninita rito ni mommy.May sakit sa puso ang daddy ko kaya gano'n nalang kaalala ang nanay ko sa maaaring maging resulta ng pagtatalo naming ito.

"Hahayaan mo nalang na humaba pa ang sungay niyang anak mo,Venice?!"napakislot si mommy sa muling pagsigaw ni daddy tsaka ako nito binalingan ng nanlilisik na tingin.Bored kong sinalubong ang nag aapoy na mga mata ng ama ko.


"Wala akong ginagawang masama dad" walang gana kong sagot sa kan'ya at tamad na isinandal ang ulo ko sa sofa.




"Wala?!Anong wala eh halos mapatay mo na ang taong 'yon dahil d'yan sa kalokohan mo ng mga kaibigan mo.Hindi kita pinalaki para maging mamamatay tao at para ipahiya itong pamilyang ito!"Hingal na hingal si daddy matapos sabihin ang mga salitang 'yon sa akin.



"'Yon lang ba ang dahilan kaya ka nagagalit ng gan'yan Dad? Dahil baka mapahiya itong pamilyang ipinagmamalaki mo? Hindi dahil concern ka at baka anong mangyari sa'kin sa oras na may mapatay man ako?haha,sabagay,ano nga bang silbi ko sa pamilyang 'to? Eh halos ibenta mo nga ako sa mga kasosyo mo sa negosyo para lang mas lumaki pa negosyo niyo diba?"Hindi ko na din napigil ang sarili ko kaya napatayo ako at isinigaw 'yon sa kan'ya.


"Hindi mo alam ang sinasabi mo.Wala kang alam sa mga paghihirap ko sa pamilyang ito."Sagot pabalik sa'kin ni at  napasapo na lamang sa kan'yang noo.

"Then bakit hindi mo sabihin at kailangan ko  pang maging tanga sa mga bagay na wala naman akong naiintindihan?"pasigaw kong tanong bago pabagsak na naupo sa sofa.

"It's for your own good,Heaven Leigh!Stop asking dahil alam kong kahit ano pang paliwanag ang gawin ko ay hindi mo din naman maiintindihan."Mahaba nitong paliwanag.


"Ha!Para ba talaga sa'kin o para sa sarili mo? Tama bang basta basta niyo nalang akong ipapakasal?Magugulat nalang ako kasi engaged na pala ako sa taong hindi ko naman kilala.God!I'm too young for that dad!binibenta mo ako para sa kapakanan ninyo at hindi para sa'kin."halos habulin ko na ang hininga ko sa haba ng sinabi ko.Naluluha akong napatingin kay mommy,umaasang matutulungan niya ako sa bagay na 'to,pero nabigo ako.


"That's not the issue here,We are talking about the guy you've scourged yesterday!Don't change the topic."Ramdam kong pilit niyang pinapakalma ang sarili.

"I just did that because he fucking harassed me!"napatayo na ako dahil sa inis dahil parang hindi nila naiintindihan ang dahilan ko.Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko at maharas na pinahid 'yon.

Under the Moonlight (On-going)Where stories live. Discover now