CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Busangot ang mukha ko habang nakatingin sa mga maletang nasa harapan ko.Ngayon ako ipapadala ni Daddy sa probinsiyang sinasabi niya.Oo nga't di ako pumayag pero wala pa din akong magagawa dahil siya ang may kapangyarihan sa'ming dalawa dahil isa lamang akong hamak na estudyante.Ayon sa kaniya ay titira ako sa isang maliit na apartment na inupahan niya para sa'kin.Iisipin ko palang kung gaano kasikip o kadumi ang tutuluyan ko ay parang gusto ko ng umatras at lumayas nalang.


Titira ako roon ng mag isa?Hindi ba siya nangangamba na baka may mangyari sa'king masama? Sabagay,kahit kailan hindi siya nagkaroon ng pakealam.Ni hindi ko alam kung saang lugar ba ang pupuntahan ko.Probinsya? Paano kung madaming mga masasamang tao do'n? Manyakis,magnanakaw o baka mamatay tao pa!Nangilabot ako sa naisip ko at napatingin sa ama kong ngayon ay pababa na ng hagdanan.Umirap ako sa kan'ya ng napadako sa'kin ang tingin niya.Hindi ko siya mapapatawad sa mga ginagawa niya sa'kin ngayon.

"Are you ready sweetheart?" Ready? Ako? mukha ba akong ready sa lagay na 'to? Gusto kong maiyak at magmakaawa nalang sa kaniya dahil baka magbago pa ang isip niya,pero dahil mapride akong tao, padarag akong tumayo at nauna ng lumabas ng bahay.Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga niya bago ko naramdaman ang pagsunod nito sa'kin.

"You'll be staying there alone,I already process your papers para sa lilipatan mong school."Narinig kong sabi nito sa likuran ko.Tsh! As if I care.

"Ihahatid ka ni Mang Kanor sa tutuluyan mo.Don't worry it's safe to live there isa pa,May mga kamag anak tayo roon incase na magkaproblema."Dagdag pa nito.Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok nalang sa loob ng kotse.Sobrang sama ng loob ko dahil para na nila akong pinalayas nito.

Wala si mommy ngayon dahil nagkaroon ito ng emergency meeting.If I know ayaw niya lang makita akong aalis dahil alam niyang baka pigilan niya lang ako.Napahid ko na lamang ang luhang tumakas mula sa mga mata ko.Mukhang wala na akong pag asa.


Muli ko pang sinulyapan ang Mansyon sa huling sandali bago ko nakitang pumasok si Mang Kanor sa loob ng kotse.Sa driver seat syempre tsk!


"'Wag kang mag aalala mam,hindi iyon gaya ng iniisip mo.Maganda ang lugar na iyon at nasisiguro kong mag eenjoy ho kayo."Napabaling ang tingin ko kay Mang Kanor nang magsalita ito.Maganda ang ngiti nito na tila pinapagaan ang pakiramdam ko.Pilit akong ngumiti pabalik,hindi ko kayang sungitan ang taong nasa harap ko ngayon.Hindi naman ako ganoon kasama o kamaldita kahit na mayaman ako hmpk!Sa katunayan halos lahat ng kasambahay namin ay kaclose ko.At itong matandang nasa harap ko ay matagal ng nagsisilbi sa'min.Masasabi ko ngang mas maituturing ko pang ama ito kaysa sa tunay kong ama.

"Goodluck sweety,We will miss you."Dumungaw si daddy sa bintana at hinalikan ako nito sa noo.


"let's go,Mang Kanor!"Hindi ko pinansin si Daddy at diretso lang akong nakatingin sa harapan.Goodluck my ass!napairap ako sa isip ko.Siya naman itong dahilan kung bakit ako malalayo sa kanila eh.


Umandar na ang kotse,wala sa sariling naisandal ko ang ulo sa bintana at tuluyan na ngang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak kung hindi ko lang naramdamang huminto ang kotse.


"Mam Leigh,narito na ho tayo."Narinig ko ang boses ni Mang Kanor kaya nagmulat nalang ako ng mga mata.Napatingin ako sa orasan at halos 3 oras pala ang biyahe papunta rito.Umalis kami ng alas nuebe ng umaga at nakarating kami ng halos mag aala una na ng hapon.


Lumabas na ako habang si Mang Kanor naman ay inuunti unti nang nilalabas ang mga gamit ko mula sa likod ng sasakyan.

Nilibot ko ang paningin sa apartment na nasa harapan ko.Dalawang palapag ang nasabing apartment at masasabi kong maganda ito kumpara sa iniisip ko.

Under the Moonlight (On-going)Where stories live. Discover now